Hinangaan at umani ng maraming papuri sa social media ang ipinamalas na katapatan ng isang mag-aaral na ito galing Guimaras. Isinauli ng lalaking ito sa may-ari ang kanyang napulot na pelican case sa dagat.
Kasama ang kanyang ama, nangingisda umano si Nichol Tagudin sa isang bahagi ng Guimaras Sea nang makita nito ang palutang-lutang na kahon. Ayon sa 20 taong gulang na si Tagudin, ang bagay na iyon ay isa pala umanong ‘pelican case’.
Mula sa dagat ay kinuha umano nina Tagudin ang naturang ‘pelican case’. Nang buksan nila ito, hindi nila inakala na mayroong importante at mamahaling bagay pala sa loob nito.
Sa loob umano nito ay mayroong mga mamahaling gadget tulad ng isang powerbank, isang iPhone XS Max 256GB, at iba pang mga mamahalin ding gamit.
Bagamat nagulat at namangha sa mga gamit na nakita sa loob ng naturang ‘pelican case’, ayon kay Tagudin ay hindi niya umano pinagkainteresan na kunin o angkinin ang naturang mga bagay.
Kaya naman, nang makabalik sila sa lupa mula sa laot ay agad-agad na hinanap nina Tagudin ang totoong may-ari ng naturang mga bagay. Sa kanilang paghahanap, nalaman nina Tagudin na ang may-ari umano ng mga iyon ay isang 14 taong gulang na lalaki.
Ito umano ay ang isang Ethan Atienza. Ayon dito, nawala umano nito ang naturang ‘pelican case’ habang nakasakay ito ng kanyang jet ski. Mula sa Lakawon Island ng Cadiz City ay papunta umano ito ng Manapla, Negros Occidental ngunit, sa kalagitnaan nito ay nawalan umano si Atienza ng kontrol sa kanyang jet ski.
Nahulog umano ito sa naturang sasakyan ngunit, hindi nito namalayan na maging ang dalang ‘pelican case’ ay nahulog din sa dagat..
Dahil dito, hindi na nahanap pa ni Atienza ang kanyang ‘pelican case’ na noon ay nagpalutang-lutang na sa dagat.
Bago pa matagpuan ni Tagudin ang nasabing ‘pelican case’, anim na araw pa umano ang lumipas na nagpalutang-lutang lamang ito sa gitna ng dagat. Halos 50 milya pa umano ang nilakabay ng ‘pelican case’ bago ito matagpuan ni Tagudin.
Gayunpaman, lubosang ipinagpapasalamat ni Atienza na natagpuan pa ang naturang bagay at isang mabuting tao pa ang nakapulot nito.
Dahil sa kabutihang loob na ipinamalas ni Tagudin, hindi nagdalawang-isip ang ama ni Atienza na bigyan ito ng pabuya. Mula sa kanila, bumiyahe pa umano ang ama ni Atienza papuntang Guimaras upang makilala ang naturang mag-aaral na nagpamalas ng katapatan.
Tumanggap umano ito ng pabuyang Php 11 000 mula sa ama ni Atienza at inalok pa ng trabaho. Ayon kay Tagudin, sakto umanong naghahanap din ito ng trabaho nang panahong iyon kaya siya inalok nang nakatatandang Atienza.
Sa isang Facebook post, ipinagmalaki naman ng ama ni Atienza ang kabutihan at katapatang loob na ipinamalas ni Tagudin. Malaki umano ang pasasalamat niya rito sa pagsasauli ng mahahalagang bagay ng kanyang anak.
Ayon sa kanya, sigurado umanong pati ang pamilya at mga kaibigan ni Tagudin ay ipinagmamalaki rin ito dahil sa kanyang pambihirang ipinamalas. Saad pa nito,
“Your school, your parents, your friends, and everyone around you is very proud of you! Thank you, Nichol! And to your proud parents Florencio Tagudin Jr. and Vicky Tagudin, you raised your son very well, God-fearing, and again, honest! Thank you and may God bless you always!”
Source: thecampfirethoughts
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment