Friday, July 3, 2020

OFW, Pumanaw Sa Saudi Matapos Umanong Pabayaan At Tanggihan Ng Ospital Doon

Humihingi ngayon ng hustisya at sagot sa kanilang mga katanungan ang pamilya ng isang OFW na binawian ng buhay sa Saudi dahil umano sa kapabayaan ng mga tao doon.

Sa Facebook post ng isang Billy Ailly Almandres Untalan, ibinahagi nito ang mga pangyayari bago umano pumanaw ang ama nitong si Benigno Untalan, 58 taong gulang, sa Saudi Arabia.

Namatay umano ito dahil inatake ng Highblood ngunit, naiwasan daw sana ito kung tumulong umano ang mga kasamahan ng kanyang ama at dinala ito sa ibang ospital.

Sa kwento umano ng mga kasama ni Benigno sa trabaho, ika-24 ng Hunyo bandang 7:00 ng umaga ay nagpasya umano ito na magpadala sa ospital dala ng kanyang mga nararamdamang sintomas sa pagsumpong ng sakit na highblood.

Dinala naman umano ito sa ospital ngunit, tumanggi umano ang naturang ospital na pinagdalhan dito. Dahil dito kaya muling ibinalik si Benigno sa kanilang barracks. Naghintay umano ito na muling dalhin sa ibang ospital ngunit, wala umanong tumulong dito.

“Ayon sa saksi, si papa ay hindi pumasok sa kanilang barracks dahil gusto niya nga raw talagang magpahospital…

“Dahil siguro sobra na ang nararamdaman ni Papa at siguro nasa isip ni Papa na gagawa siya ng paraan para mabuhay. Kaya hindi siya pumasok sa Barracks at hindi bumalik ng kanyang kwarto dahil gusto talaga mabuhay ni Papa at madala sa hospital pero pinabayaan lang sabi ng mga saksi,” pahayag pa ng anak nito sa naturang Facebook post.

Ayon pa sa kwento ng mga kasama nito, mayroon naman umanong ambulansya roon ngunit, wala umanong drayber kaya hindi rin ito dinala. Nakuhanan pa ng video si Benigno na nakaupo sa isang tabi habang naghihintay ng ambulansya.

Ayon sa mga saksi, hanggang sumapit ang alas 11 ay naghintay umano si Benigno sa ambulansyang maghahatid sa kanya sa ospital. Maayos pa naman umano ito kung titingnan at nakasabay pa nga umano nila noong araw na iyon na pumirma ng attendance.

Ngunit, naghihingalo na umano si Benigno nang sa wakas ay mayroong dumating na ambulansya. Sa isang video na nakunan, makikita na mayroong sumaklolo kay Benigno sa ibaba ng ambulansya at doon na ito binomba.

Ngunit, nang mawalan ng malay ay ideneklara na lamang umano ng mga ito na patay na ang OFW. Agad daw itong binalot ng black bag at tinakpan lamang ng yero sa tabi.

Hindi matanggap ng pamilya ng OFW ang sinapit nito sa Saudi dahil alam nila na nabuhay pa umano sana ito kung mayroong tumulong at agad na sumaklolo kay Benigno. Hindi rin umano makatarungan na agad itong ideneklarang patay dahil malaki ang tyansa na mayroon pa itong pulso noong basta na lamang itong isinilid agad sa black bag.

Kaya naman, hiling ngayon ng pamilya nito ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay. Bukod dito, humihingi din sila ng tulong na maiuwi ang bangkay ng OFW sa Pilipinas. Nais umano nilang makarating ang nangyari kay Raffy Tulfo at sa programa nito upang sila ay matulungan.

Pahayag naman ng anak ng pumanaw na OFW ,

“May mga katanungan sa amin na nais naming magkaroon ng kasagutan at mabigyan ng hustisya.

1. Bakit pinabayaan lang si Papa at hindi man lang tinulungan na dalhin sa ibang hospital?
2. Bakit nong oras na naghihingalo si Papa tsaka lang dumating ang mga rescuer? Oo binubomba nga nila si Papa nong naghihingalo pero ang tanong namin, bakit doon nila binobomba sa kainitan at hindi nila pinasok sa loob ng ambulansya at doon binobomba habang tumatakbo ang ambulansya papunta sa hospital. Bakit nakasteady lang doon ang ambulansya at sa labas si papa binobomba? Bakit?
3. Bakit pagkawalang malay ni Papa ibinalot kaagad ng black bag at iniwan sa initan at tinakpan na lang ng yero? Bakit binalot kaagad, hindi ba kawawala lang ng malay ni Papa? Panigurado may pulso pa siya ‘nun pero bakit binalot na kaagad. Bakit?

“Marami pa po kaming tanong na gusto naming masagot.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment