Tuesday, August 18, 2020

Dominic Ochoa, Ipinakita sa Publiko ang Kanyang Bahay; Pagbebenta ng mga Prutas, Bagong Pinagkakakitaan ng Aktor



Sa programang ‘Welcome Kayo Dito’ ng Star Magic, ipinasyal ng aktor na si Dominic Ochoa ang mga manonood sa kanyang Mediterranean style na bahay. Dito, habang iniikot ang kanyang bahay ay maraming mga kwento tungkol sa iba’t-ibang mga bagay ang ibinahagi ng aktor.

Ayon kay Dominic, bagama’t taong 2009 pa niya nabili ang lupa na pinagtayuan niya ng kanilang bahay, apat na taon pa lamang umano silang tumitira rito.

Naging hands-on umano ang aktor sa pagpapatayo nito dahil, ayon pa kay Dominic , ‘therapeutic’ umano para sa kanya ang pamimili ng mga bagay-bagay para sa kanyang bahay. Sa katunayan, ang aktor umano ang siyang namimili ng grocery sa kanilang tahanan.

Isa rin sa kanyang naibahagi habang iniikot ang kanyang bahay ay ang tungkol sa pagkakaroon nila ng dagdag na pagkakakitaan ngayong panahon ng quarantine. Napagdesisyunan umano ni Dominic at ng kanyang misis na magbenta ng mga prutas at iba pa sa kanilang village.


Ipinakita pa nga ni Dominic ang ilan sa kanilang mga paninda na handa na nitong i-deliver. Pagbabahagi pa ng aktor, kadalasan ay siya umano mismo ang personal na naghahatid at nagdedeliver ng mga paninda sa kanilang mga customer.

“Habang ganito pa ang sitwasyon, kung walang trabaho, nakapag-isip kami ng misis ko na, let’s try to be productive. Let’s not waste time lying down or just doing social media. Pag nag-sosocial media kami, it’s more of promoting the products that we’re selling.

“Pero ito nga, kahit dito-dito lang namin sa’min binebenta, kami po ay nagdedeliver … ako mismo nag-dedeliver…,” ani pa ni Dominic.


Ayon kay Dominic, mahilig daw talaga kasi sa prutas ang kanilang pamilya. Kaya naman, noong nagkaroon ng quarantine, naisipan nila na magbenta na lamang rin ng mga ito.


Maliban sa mga prutas, ilan pa umano sa mga ibinebenta nina Dominic ay ang mga gourmet tinapa jars, ice cream, wagyu, at dips.

“We chose to be productive. Hindi naman pwede ‘yung puro na lang tayo angal kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang ating sarili…

“Maliit lang ang kita pero, at the end of the day, nakakapagbigay saya sa amin atsaka mayroon kaming naihahain sa aming pamilya na makakain,” dagdag pa ng aktor.

Isa pa sa mga ibininahagi rin ni Dominic ay ang kanyang koleksyon ng mga sasakyan. Ani ni Dominic, ang kanya umanong garahe kung saan naroroon ang kanyang mga sasakyan ang isa sa pinakapaborito niyang lugar sa kanyang bahay.

Dito, malugod na inisa-isa ni Dominic ang mga koleksyon niyang sasakyan na talagang mayroong espesyal na halaga para sa aktor.


Bahagi ng koleksyon na ito ni Dominic ay ang isang 1968 Volkswagen Beetle convertible, isang 1978 Ford Escort, isang 1995 all-original Range Rover, at isang 2018 Vios Cup car.

Naibahagi rin ni Dominic ang isang sasakyan na kanyang itinuturing na swerte. Ito ay ang kanyang sasakyan na ginamit niya umano mula pa noong siya’y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo. Naniniwala umano si Dominic na may swerteng dala ang naturang sasakyan na bigay pa sa kanya ng kanyang ama.


Sa ginawang house tour na ito ni Dominic, maraming mga manonood ang namangha hindi lamang sa ganda ng bahay ng aktor kundi pati na rin umano sa pagiging mapagkumbaba ni Dominic.

Panoorin dito ang kabuuan ng naturang house tour ni Dominic Ochoa:




Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment