Thursday, August 6, 2020

Pagtuturo ng ‘English’ sa Anak, Maarte at Pang Mayaman Lamang Daw?


Hindi nakabase sa estado ng buhay ng isang tao ang pagtuturo at pagpili nito ng linggwahe na gagamitin para sa kanyang anak. Hindi porke’t hindi mayaman ay wala nang karapatan na gumamit ng Ingles ang isang magulang sa pakikipag-usap sa kanyang anak.

Ganito ang nais iparating ng isang netizen sa isa ring nanay na umano’y hinusgahan siya dahil sa pagtuturo at pakikipag-usap nito sa kanyang anak gamit ang linggwaheng Ingles.

Sa isang viral na Facebook post, ibinahagi ng netizen na ito ang naging pag-uusap nila ng isang nanay rin na hinusgahan siya dahil sa pagpili nito na gumamit ng Englis sa pagkausap sa kanyang anak.

Sa naturang pag-uusap, iminungkahi nito sa naturang netizen na Tagalog na lamang umano ang gamitin imbes na Ingles sa pakikipag-usap sa anak dahil hindi naman umano sila mayaman. Dagdag pa nito, pang-maarte lamang daw kasi ang linggwaheng Ingles.



“Hindi naman pala kayo mayaman beshy, sana tagalog nalang…

“Mga anak ko tagalog lang hahaha, kahit may pera. Hindi maarte. Kasi pag tanda nyan sabihin baket english sya eh hindi naman mayaman haha,” saad pa nito sa netizen na nagbahagi ng naturang Facebook post.

Para sa netizen, hindi naman daw kasi nakabase sa estado ng buhay kung dapat bang Tagalog o Ingles ang gagamitin nilang linggwahe.

Kagaya ng maraming iba pang netizen, sinalungat nito ang pananaw ng naturang kapwa niya rin nanay na ibinabase ang pagsasalita ng Ingles sa kung anong yaman meron ang isang tao.



Para sa ilan, inggit lamang umano ang nanay na iyon sa naturang netizen kaya nakikialam ito sa kanya kahit hindi niya naman umano ito buhay. Maraming mga netizen ang hindi nagustuhan ang kanyang pananaw dahil hindi porket mahirap lamang ay wala na umanong karapatan na magsalita ng banyagang linggwahe.

Dagdag pa ng netizen, kahit na kinakausap nito ang anak sa Ingles ay hindi naman umano nila nakakalimutan na turuan din ito ng Tagalog. Taliwas ito sa sinasabi sa kanya ng naturang nanay na nagpapasosyal lamang daw sila kaya Ingles ang kanilang ginagamit.

Sa naturang Facebook post, higit na lamang ang mga taong sumasang-ayon sa pananaw ng netizen na hindi naman umano kailangang maging mayaman para lamang makapagturo ng Ingles sa anak.

Basahin dito ang naging buong pahayag ng naturang netizen:


“Wala sa estado ng buhay kung english o tagalog ang ituturo mo sa mga anak mo nasa magulang un kung paano mo sila tsagain, or kung paano mo sila gusto matuto. Aminado ko slow learner si Bryzen minsan. He is just 2 years old by the way. But everyday naman natututo siya at magugulat ka na lang sa lumalabas sa bibig niya…

“Nasa magulang ang tsaga sis. ‘Pag may tsaga may nilaga…

“Wag mong sabihin na maarte ang mga bata, natural yan sa bata. Lalo na pag mga babies pa. Ofcourse they being maarte due to the attitude of the guardians din siguro or if how you treat them. Nasa magulang kung paano mo sila palakihin, wala namang perpektong magulang. But you need to give your best para sa mga anak mo at magiging anak mo pa.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment