‘Pumanaw nang hindi man lang nadedepensahan ang sarili.’
Ganito inilarawan ng mga tao lalong-lalo na ng mga taong malapit sa sundalong si PFC Raymond Canlog ang kanyang pagpanaw sa isang engkwentro sa Maguindanao matapos lamang itong maireklamo sa programa ni Raffy Tulfo.
Dahil sa umano’y pag-atras ni PFC Canlog sa kasal sana nito ay inireklamo ang sundalo sa programa ni Tulfo kung saan, hinusgahan at tinawag ng mga hindi magagandang salita si PFC Canlog. Sa programa, tinawag pang ‘duwag’ ni Tulfo ang sundalo at sinabihan pa ito na hindi umano bagay maging isang sundalo.
Sa isang bahagi ng programa, habang kausap si Tulfo ay humingi pa dito ng paumanhin ang sundalo dahil kailangan muna nitong putulin ang kanilang usapan. Nasa gitna umano ito ng isang kritikal na pangyayari kaya hiniling niya sa host na ipaliwanag na lamang ang kanyang panig pagkatapos nito.
Ngunit, maging sa naturang bahagi ay panghuhusga at may bahid pa rin ng pang-iinsulto ang isinagot sa kanya ng host bagama’t pinagbigyan ito sa kanyang hiling.
“Naku! Kritikal ‘yung mga kasama mo. Baka mamaya, merong kalaban d’yan tatakbo ka,” ani pa ni Tulfo kay PFC Canlog.
Hindi man lang umano nadepensahan ng sundalo ang kanyang sarili mula sa mga insulto at panghuhusgang ito na ibinato sa kanya hindi lamang ni Tulfo at ng dating karelasyon kundi pati na rin ng ibang mga tao.
Sa kasamaang palad, nito lamang ika-29 ng Hulyo, binawian ng buhay si PFC Canlog habang ito ay nasa isang engkwento sa isang terrorist group sa Brgy. Penditen, Datu Salibo sa Maguindanao.
Isinakripisyo ng sundalo ang kanyang buhay para sa bayan kahit pa hinusgahan at ininsulto ito ng maraming tao dahil sa umano’y ginawa nitong pag-atras sa kanyang kasal. Hindi man lang umano naipaliwanag ng sundalo ang kanyang panig dahil mas pinili nitong pagsilbihan ang bayan.
Marami ang nalungkot sa nangyaring ito kay PFC Canlog na umano’y hindi inintindi ng babae na siyang nagreklamo rito kay Tulfo. Hindi umano karapat-dapat para sa sundalong ito ang makatanggap ng naturang mga salita dahil lamang sa mas pinili nitong unahin ang pagsisilbi sa bayan.
Tingin ng marami, marahil ay higit umanong naapektuhan si PFC Canlog sa nangyari sa kanya kaya malaki ang posibilidad na nawalan ito ng pokus habang nasa naturang engkwentro. Nakakalungkot lamang umano na hanggang doon na lamang ang buhay ng bayaning sundalo.
Maliban sa pagkakadismaya sa naging karelasyon ng sundalo, hindi rin maiwasan ng mga tao na madismaya rin sa ginawa at binitawang mga salita ni Tulfo kay PFC Canlog. Hindi nagustuhan ng mga ito ang mga akusasyon na agad-agad ibinato rito ng host nang wala man lang maayos na imbestigasyon.
Nadurog ang puso ng marami sa nangyaring ito kay PFC Canlog at marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa bayaning sundalo na ito na hindi nabigyan ng pagkakataon na madepensahan man lang ang sarili mula sa mga panghuhusga sa kanya ng mga tao.
Hindi na umano bago sa mga sundalo ang maipit sa naturang sitwasyon kung saan, higit na naaapektuhan ng kanilang trabaho ang kanilang relasyon sa kanilang pamilya. Malawakang pag-iintindi umano ang nararapat sa mga sundalo na mas pinipiling itaya ang buhay para sa kaligtasan ng mas nakararami.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment