Hindi nakaligtas sa mga netizen ng naging komento na ito ng aktres na si Barbie Imperial sa Instagram post ng Los Angeles Lakers player na si Kyle Kuzma nitong ika-27 ng Setyembre.
Ito ay matapos ang naging panalo ng LA Lakers laban sa Denver Nuggets sa Game 5 ng Western Conference Finals ng NBA.
“Not done yet! Period!!!! #lakeshow 4 more,” ani pa nga ni Kuzma sa kanyang IG post.
“Mahal kita sobra!!!!,” ang naging komento naman dito ni Imperial.
Hindi kaila na tinitilian ng mga kababaihan si Kuzma kaya hindi nakaligtas ang IG comment na ito ni Imperial sa mga netizen. Ani pa nga ng mga ito,
“Barbie, pumila ka. Mahaba ang pila.”
Natatawa naman ang marami sa pakulong ito ng mga netizen na umano’y pumipila sa kanilang mga hinahangaan kagaya ni Kuzma at ng iba pang mga personalidad.
Heto pa nga ang ilan sa mga nakakatawang pahayag ng mga netizen tungkol sa IG comment na ito ni Barbie.
“Manahimik ka, Barbie! May Girlfriend 'yong Tao! Baka gusto mo ma tulfo HAHAHAHHAHA”
“Sa iba ka nalang pumila Barbie, cut off na dito! Alisss!!! Shoo!”
“barbie wag na may mareng winnie na yan”
“Barbie pumila ka. May nakapila pa sa unahan”
“Pumila ka kaya barbie!”
Ngunit, ang tunay umano na nagwagi ay ang girlfriend umano ngayon ng NBA player na si Winnie Harlow, isang modelo. Kaya naman, hanggang inggit at ‘sana all’ na lamang umano ang mga kababaehang ito na mayroong paghanga kay Kuzma.
Nakakatawang saad pa nga ng ilan para kay Harlow tungkol sa pagiging girlfriend nito ni Kuzma,
“@winnieharlow Pahiram ng Jowa pls.”
“@winnieharlow helloo i just want to say you deserve each other, hehe pero pwede pag tapos mo na sa kanya sa akin mo i punta HAHAHA”
“@winnieharlow PERAM PO NG JOWA MO”
Sa nangyaring pagkapanalo ng Lakers laban sa Nuggets sa score na 117-107, nakapasok na ito sa NBA Finals kung saan makakalaban nila ang kakapanalo pa lamang din na Miami Heat laban sa Boston Celtics.
Makasaysayan naman ang pagkapanalong ito ng Lakers para kay Lebron James dahil sa muling pagpasok nito sa NBA Finals. Si Lebron na ngayon ang naging ikaapat na tao sa buong kasaysayan ng NBA na nakapasok sa NBA Finals sa 10 pagkakataon.
“Right now, it don't mean s--- unless I get it done… I got to get it done,” ang naging reaksyon naman ni Lenron nang matanong tungkol sa ika-10 paglalaro nito sa NBA Finals.
Pinangunahan ni Lebron ang panalong ito ng Lakers kung saan, nakapagtala ito ng 16 puntos sa 4th quarter ng laro. Natapos naman ni Lebron ang naturang laro sa pagtatala ng 38 puntos, 16 rebounds, at 10 assists.
Sa ngayon, inaabangan na ng mga Pinoy fans ang mangyayaring NBA Finals kung saan maghaharap nga ang mga koponan ng LA Lakers at Miami Heat. Mangyayari at magsisimula na ang inaabangang Game 1 na ito ng Finals Series sa darating na Miyerkules ng gabi.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment