Tuesday, September 22, 2020

Derek Ramsay, Ipinakita sa Publiko ang Kanyang Worth 1 Billion na Tahanan


Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ng magboyfriend-girlfriend na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa kanilang Andrek Vlogs Youtube Channel, nagbigay ng tour ang dalawa sa napakalaki at napakagandang bahay ni Derek.

Sa naturang vlog, ikinamangha ng maraming mga netizen ang kakaibang ganda umano ng naturang bahay. Ayon sa mga ito, ikinagulat umano nila na ganito kaganda ang bahay na binuo mismo ni Derek.

Ang bahay nito ay napapalibutan ng mga salamin na nagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam sa loob nito. Namangha ang mga netizen sa mga detalye ng bahay ng aktor na talagang pinagtuunan ng oras at panahon ni Derek.

Ibinahagi din dito ni Derek ang kanyang kakaibang mga kagamitan. Hindi pangkaraniwan ang disenyo at hugis ng mga ito ngunit, tamang tama at bagay pa rin sa kanyang bahay. Ani pa ni Direk, komportable rin naman umano ang mga ‘furniture’ niyang ito kahit hindi halata.

Agaw pansin din sa house tour na ito nina Derek ang kanyang magagandang mga ‘art pieces’ tulad ng nga ‘painting’ at ‘sculpture’. Sa ‘living room’ ng aktor, agad mapapansin sa itaas na bahagi ng kanyang ‘wall’ ang isang malaking pulang sculpture na ayon kay Derek ay siya umanong pinakapaborito niyang ‘investment’.

Sa unang palapag din ng kanyang bahay ay makikita ang inilaang kwarto ni Derek para sa kanyang mga magulang na talaga namang ikinamangha ng mga netizen. Ayon kasi kay Derek, gusto niya umano na tumira na sana kasama niya ang kanyang mga magulang ngunit hindi niya pa nakukumbinse ang mga ito.

Isa rin sa naging highlight ng bahay na ito ni Derek ay ang pagkakaroon nito ng elevator na para raw sa kanilang mga magulang ni Andrea.


Sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ay mas maraming mga magaganda at kakaibang ‘art pieces’ pa ang kaniyang ibinahagi. Kabilang dito ay ang isang ‘series’ ng ‘paintings’ na sampung taon umanong ginawa ng painter nito.

Sa palapag na ito matatagpuan din ang napakalawak na masters bedroom ng bahay ni Derek. Mayroon din itong walk-in closet na talagang nakakamangha ang disenyo.

Ipinasilip din dito ni Derek ang kwarto ng kanyang anak na ayon sa aktor ay kasing metikuloso niya rin pagdating sa kwarto. Tumitira rin umano ngayon kay Derek ang kanyang pamangkin kung saan ipinasilip niya rin ang kwartong ginagamit nito.

Sa ikatlong palapag naman ay kung saan umano madalas na tumatambay ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Napakaaliwalas ng bahaging ito ng kanyang bahay na mayroon pang maliit na kusina upang hindi na raw nila kailangan pang bumaba. Mahilig daw kasing bumisita kay Derek ang kanyang pamilya.

Dito din sa palapag na ito plano ni Andrea na maglagay ng kanya umanong sariling garden o farm. Isa rin sa pinaka ikinamangha ng mga netizen sa vlog na ito nina Derek ay ang pasilip nito sa kanyang koleksyon ng nga mamahaling sasakyan. 

Ayon sa nga netizen, sa kabila umano ng lahat ng ito, humahanga umano sila sa dalawa lalo na kay Derek dahil sa pagiging ‘humble’ umano ng aktor. Ikinatuwa din ng mga netizen ang ibinibigay raw na pagkilala at pagtangkilik ni Derek sa mga local artist.


Panoorin rito ang buong house tour vlog nina Derek at Andrea:



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment