Thursday, September 24, 2020

Julia Barretto, Nagsampa ng Reklamo Laban kay Jay Sonza Dahil sa Ipinakalat Nitong Tsismis Tungkol sa Kanya

Hindi umano papalagpasin ng aktres na si Julia Barretto ang ginawang pagpapakalat ng dating mamamahayag na si Jay Sonza ng isang maling balita tungkol sa kanya.

Bilang tugon sa ginawang pagpapakalat ni Sonza sa tsismis na nagbubuntis umano ang 23 taong gulang na aktres, naghain ng pormal na reklamo si Barretto sa National Bureau of Investigation nito lamang ika-25 ng Setyembre.

Kasama ng aktres na pumunta sa tanggapan ng Cybrecrime Division ng NBI ang kanyang ina na si Marjorie Barretto. Dito, sinampahan ng aktres ng cybercrime complaint si Sonza dahil sa ibinahagi nitong fake news sa Facebook tungkol sa kanya noong ika-21 ng Setyembre.

Ayon kay Barretto, hinid gaya ng mga pagkakataon dati na pinalagpas niya ang mga gawaing ganito sa kanya, sa pagkakataong ito ay hindi niya na umano papalagpasin ang ginawang ito ng dating broadcaster.

Sa pagpunta ng aktres sa NBI, nakatakdang imbestigahan ng mga ito ang ginawang pagpapakalat ni Sonza ng naturang fake news.

“Personally, ang dami ko na rin kasing pinagdaanan. Marami na rin akong pinalagpas, lalo na sa social media. Binastos na 'yung 'reputation ko, 'yung pangalan ko… 

“I think I just want to show people now na hindi ko na pinapalagpas 'yung mga bagay na ganito,” saad pa ni Julia.

Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ni Barretto, gumawa umano siya ng pormal na aksyon dahil sa inilabas na ‘untrue’ at ‘irresponsable’ na pahayag ni Sonza tungkol sa kanya.

Nagdulot din umano ito ng ‘distress’ sa kanya at sa kanyang pamilya kaya gusto niyang managot si Sonza sa ginawa nito na hindi umano muna sinigurado kung totoo ba ang mga bagay na kanilang naririnig bago nila ito ipakalat.

Heto ang naging buong pahayag ni Barretto tungkol sa pagasasampa niya ng reklamo sa dating mamamahayag na si Sonza:

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible.

“The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family.

“I don't want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact.”

Kung matatandaan, ilang araw lamang ang nakararaan ay ginulat ni Sonza ang publiko dahil sa pagbabahagi nito ng Facebook post tungkol sa umano’y pagbubuntis ni Barretto na ang ama umano ay ang aktor na si Gerald Anderson.

“Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City… After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) - may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” ang naging saad pa dito ni Sonza.

Agad naman itong mariin na itinanggi nina Anderson at Barretto at ng kani-kanilang panig. Dahil dito kaya burado na ang naturang Facebook post ni Sonza tungkol sa kanyang paratang sa dalawa. Sa isang panibagong Facebook post naman, humingi ito ng tawad sa kanya umanong nagawa.

Source: philstar


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment