Monday, September 7, 2020

Kiray Celis at Kanyang Nobyo, Nagli-live In Na Nga Ba?



Kamakailan lang ay nakausap si Kiray sa isang programa sa GMA-7 kung saan, mayroon itong inilahad tungkol sa umano’y bulong-bulongan ng mga tao na nagli-live ina na raw sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Ayon sa aktres at komedyante, hindi umano totoo ang tsismis na ito dahil kaya lamang daw sila laging magkasama ay dahil malapit lamang umano sa kanilang bahay ang tirahan ng kanyang boyfriend.

“Ang daming nagtatanong kung live in kami. Pero ang nakakatawa is, nasa kabilang kanto lang namin sila nakatira. So everyday, kahit noong may quarantine, every day siyang nandito sa bahay kasi sobrang lapit lang talaga niya,” saad pa ni Kiray.

Nitong quarantine, napansin din ng mga netizen na madalas nilang nakikita si Kiray kasama ang kanyang boyfriend sa kanilang mga nakakaaliw na Tiktok videos. Dahil nga rito ay maraming mga kinikilig na mga netizen at umaabot sa libu-libo hanggang milyon ang mga views ng kanilang Tiktok.


Gayunpaman, kahit madalas umano na nakakasama niya rito ang boyfriend, ayon kay Kiray ay mahiyain daw talaga umano si Stephan. Ngunit, dahil nga sa pagkabagot umano sa bahay dahil na rin sa quarantine, gaya ng kanyang pamliya ay wala na rin umanong nagawa ang mga ito kundi sabayan ang aktres sa pagti-Tiktok.

“Sa mga videos and sa mga pictures, actually very shy talaga siya,” pagbabahagi pa ni Kiray tungkol sa kanyang boyfriend.

Hindi naman maikakaila na maganda ang takbo ngayon ng lovelife ng aktres kasama ang kanyang boyfriend. Kaya naman, sa naturang panayam ay nagbigay pa ng payo si Kiray sa mga tao na gusto rin magkaroon ng masayang relasyon sa kanilang mga kasintahan.


“Kung gusto mo ng mabait, kailangan mo ring mabait. Kung gusto mo ng loyal kailangan mong maging loyal. Kung ano 'yung binibigay mo 'yun din ang mababalik sa'yo, promise,” ani pa ni Kiray.



Kung matatandaan, Disyembre noong nakaraang taon nang tuluyang ipinakilala ni Kiray sa publiko ang kanyang boyfriend. Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray sa kanyang mga tagasuporta kung gaano ito kasaya sa piling ni Stephan.

“Simula ng makilala ka, nagbago ang pananaw at saya. Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso. Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sayo lang yung taong mahal mo.

“Dahil alam mo sa sarili mo kung paano ka magmahal. Na yung nabibigay mo, naibabalik rin sayo ng walang effort at may kusa kasi deserve mo. Ganito pala magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sayo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang ng todo,” pagbabahagi pa dito ng aktres.



Nasaktan man umano dati, masaya na ngayon si Kiray at kontentong-kontento sa lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.


Pagdidiin pa nga dati ni Kiray, hindi umano sa tagal ng pagkakakilala nasusukat ang pagmamahal ng isang tao dahil kahit nakilala mo pa lamang ito sa maikling panahon, maaari kang makaramdam ng pagmamahal na higit pa sa naramdaman mo sa mga taong nakasama mo ng ilang taon.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment