Wednesday, November 4, 2020

Sa Edad na 67, Nakilala at Pinakasalan ng Dalagang Ito ang Kanyang ‘Forever’


Isang kakaiba at nakaka-inspire na kwento ng pag-iibigan ang ibinahagi kamakailan ng isang netizen sa Facebook at agad naging viral.

Sa naturang viral post, ibinahagi nito ang kwento ng kanyang tiyahin na kakakasal pa lamang sa asawa nito sa Barangay Upper Bulanan, Midsayap, North Cotabato. Kakaiba ang pag-ibig na natagpuan ng kanyang auntie Delfa dahil, 67 taong gulang na ito nang ikasal kamakailan lang.

Ayon sa netizen, sa kabila ng edad nito ay dalaga umano ang kanyang auntie Delfa at hindi pa nagkaroon ng asawa. Ang napangasawa nito ay binata rin umano sa kabila ng may katandaan na nitong edad. Base sa mga larawang ibinahagi nito sa naturang Facebook post, hindi nagkakalayo ang mga edad ng kanyang auntie Delfa at ng napangasawa nito.

Dahil sa matagal na pag-aasawa ng kanyang auntie Delfa, inakala daw ng netizen na hindi na ito ikakasal pa at tatanda na lamang na dalaga. Ngunit, pinatunayan umano nito na kahit sa edad na 67, maaari pa itong makakilala ng isang taong tunay na magmamahal sa kanya.

“True Love can wait.. 

“Age of 67, na-meet niya ang FOREVER na ‘makakasama mo sa pagputi ng mga buhok mo’. Nakakakilig. Akala ko tatandang dalaga ka talaga, auntie Delfa. Wala talaga makapagsasabi kung ano ang magiging future,” saad pa nito sa kanyang Facebook post.

Kaya naman, dito ay pinaalalahanan ng netizen ang mga kabataan na huwag daw magmadali na makilala ang kanilang mapapangasawa. Payo niya pa, tularan daw ng mga ito ang kanyang auntie Delfa.


Ani nito, wala raw talagang sukatan ang tunay na pagmamahal. Patunay nito ang kwento ng kanyang auntie Delfa na kahit sa kabila ng edad at matagal na paghihintay ay nakilala pa rin nito ang kanyang mamahalin ng panghabang buhay.


Bagama’t hindi na raw magkakaanak pa ang dalawa, hindi naman daw ito ang kanilang hangad kundi ang maging ganap na silang mag-asawa sa harap ng Panginoon.

“Congrats auntie Delfa and your husband… Ang tunay na pagmamahal, walang basehan ‘yan. Hayaan mo, ipagkaloob ni Lord God ang wagas na pag-ibig. Huwag ka matakot magmahal at masaktan. Dahil ang pagmamahal ay wala sa mukha, yaman, o anumang mga bagay na meron sa mundong ito,” dagdag pa ng netizen.

Hirit pa nga nito para raw sa mga babaeng niloko raw ng kanilang mga nobyo, huwag daw mawalan ng pag-asa ang mga ito dahil ibig sabihin lamang nito ay hindi pa nila nakikilala ang kanilang tunay na ‘forever’.

Dahil agad na naging viral ang naturang Facebook post, marami ang kagaya nito ay kinilig din sa kakaibang pag-ibig na natagpuan ng kanyang auntie Delfa. Masaya ang mga ito dahil kahit daw sa kanyang edad ay nakatagpo pa rin ito ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya at magdadala sa kanya sa altar.


Biro naman ng iba, bagama’t nakakatuwa raw na sa kabila ng katandaan nito ay nakatagpo pa rin ito ng lalaking papakasal sa kanya, kung maaari raw sana ay matagpuan naman nila ng mas maaga ang lalaking para sa kanila.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment