Monday, March 1, 2021

Babaeng May Pinakamaliit na Baywang sa Buong Mundo, Kilalanin Dito!


Bagama’t hindi lahat, pangarap ng maraming mga kababaihan na magkaroon ng magandang pangangatawan at maliit na baywang. Upang maabot ang ganitong pangangatawan, madalas ay nag-eehersisyo ang mga ito at nagkakaroon ng dyetang sinusunod.

Kaugnay nito, isang babae mula Myanmar ang hinirang na isa sa may pinakamaliit na baywang sa buong mundo. Kadalasan, upang makamit ang ninanais na liit ng baywang ay sumasailalim sa operasyon ang ilang mga kababaihan. Ngunit, kakaiba ang babaeng ito na sinasabing natural lamang umano ang pagiging maliit ng kanyang baywang.

Ayon sa 23 taong gulang na si Su Naing, kailanman ay hindi umano ito sumailalim sa anumang operasyon o pagpapaayos para magkaroon ng ganoon kaliit na baywang. Ang baywang ni Su Naing ay mayroon lang naman sukat na 13.7 pulgada o 35 sentimetro. Mas maliit pa ito sa kalahati ng itinuturing na pangkaraniwang sukat ng baywang ng mga kababaihan na nasa lagpas 30 pulgada.

Dahil sa nakakamanghang liit ng baywang na ito ng dalaga, marami ang nagsasabi na hindi ito natural o di kaya ay sumailalim si Su Naing sa isang operasyon o pagpapaayos. Dagdag paratang pa nga sa dalaga, maaaring madalas na ginugutom umano nito ang kanyang sarili kaya ganoon ang naging resulta sa kanyang baywang. 

Ngunit, giit ng babae, kailanman ay hindi ito gumawa ng pagpapaayos sa kanyang katawan. Ang kanyang mga kinakain ay ang mga natural lamang din umano na masustansyang mga pagkain. Gayunpaman, aminado ito na siya ay nag-eehersisyo para sa maayos na pangangatawan. Ngunit, hindi pa rin ito sapat na dahilan kung bakit ganoon ka liit ang kanyang baywang. 


Ayon sa dalaga, maaaring ang sanhi umano nito ay dahil nasa lahi na nilang mag-anak ang magkaroon nang ganoong pangangatawan at liit ng baywang.


Dahil sa liit ng baywang ni Su Naing na animo’y hindi makatotohanan, madalas ay napagkakamalan na edited ang kanyang mga larawan na ibinabahagi sa social media. Kaya naman, madalas din ay nakakatanggap ng mga pamababatikos si Su Naing.

“I am in a healthy disposition and keep a healthy diet so there is nothing to worry about. I don't think there is something wrong with how I look. I enjoy posing for pictures and showing off my looks. The compliments are very flattering. People agree that it is a beautiful look,” minsan pa ngang saad ni Su Naing sa isang panayam dito dati.

Kadalasan, upang magkaroon ng maliit na baywang ay sumasalalim ang ilan sa mga operasyon gaya ng rib removal o di kaya ay ang madalas o araw-araw na pagsusuot ng corset. 


Sa kasalukuyan, hindi si Su Naing ang may hawak na rekord bilang pinakamaliit na baywang sa buong mundo. Gayunpaman, hindi maitatanggi na isa ito sa may pinakamaliit at pinaka nakakamangha dahil wala itong ginawa o ginamit para maging ganoon ka liit ang kanyang baywang.


Ang may hawak ngayon ng pinakamaliit na baywang sa mundo sa Guiness Book of World Record ay si Grethel Granger ng UK. Ang baywang ni Grethel ay may sukat lang naman na 13 pulgada. Ngunit, ang maliit na baywang na ito ni Grethel ay resulta umano ng kanyang araw-araw na pagsusuot ng corset.

Source: readerchannel


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment