Tuesday, March 30, 2021

Ina ni Christine Dacera, Nagpaabot ng Pakikiramay sa Pamilya ng Pumanaw na Singer na si Claire Dela Fuente


Sa kabila ng patuloy na pag-iimbestiga at paghahamon sa korte ng kontrobersiyal na pagpanaw ng isang flight attendant na si Christine Dacera ay hindi ito ginawang hadlang ng ina ni Christine na si Sharon Dacera na mag-abot ng pakikiramay sa pamilya ng ngayon ay ibinalitang pumanaw na ang singer na sumikat sa kanyang kantang ‘Sayang’ na si Claire Dela Fuente sa edad na 63.

Ang kanyang pagkamatay ay ikinumpirma ng ABS-CBN sa anak nitong lalaki na si Gigo de Guzman. Sinabi nito na nag-positibo ang kanyang ina sa Covid-19 isang linggo bago ang pagpanaw nito at nagkaroon ng cardiac arrest.

Kilala si Claire bilang “Asia’s sweetest voice” at binansagang “The Carpenter of the Philippines” noong pumasok ito sa mundo ng OPM sa mga taong 70s.

Matatandaan sa mga balita ay ibinahagi ang pagkamatay ni Christine sa loob ng isang hotel room na nirentahan nito kasama ang iba pa niyang mga kaibigan bilang pagdiriwang sa New Year’s Eve. January 1, 2021 ng tanghali na nang matagpuang wala ng buhay si Christine.

Isa sa mga nakasama ni Christine sa nasabing party ay si Gigo na anak ni Claire Dela Fuente.

Inihayag ng ina ni Christine ang pagdadalamhati nito sa namayapang ina ni Gigo bagaman kabilang si Gigo sa mga suspek. Sinabi nito sa News5 na labis na naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman ngayon ng pamilya ni Claire dahil katulad niya ay nawalan rin siya ng miyembro ng pamilya.


“The Lord God is the most high. He is our Creator and Savior. God is always in control. It is so hard to lose a loved one. I felt what they feel po. My condolence to their family too,” pakikiramay ni Sharon Dacera.

Dagdag ni Gigo na nahawaan din umano siya ng Covid-19 ngunit asymptomatic.

"I myself, am also COVID positive but showing no symptoms. That's why I couldn't be beside her”, kuwento ni Gigo.

Ikinuwento ni Gigo na na-diagnose ang kanyang ina at nakakaranas ng anxiety, hypertension at diabetes noon pa. Tinuturing ang mga ito na siyang nagdulot ng ikinamatay na cardiac arrest ng ina.

Sa patuloy na kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera kung saan dawit si Gigo ay wala pang inihayag na mga bagong detalye sa pag-usad ng kaso.

Matatandaan naman na unang inilabas sa mga balita na ‘ruptured aortic anuerysm’ang sanhi ng pagkamatay  ni Christine ngunit kalaunan ay pinananiwalaan itong posibleng ‘rape-slay’ kung tawagin ang sanhi.

Sunod na ibinalita ay tapos na umano ang kaso ni Christine ayon sa Philippines National Police ngunit kamakailan lang ay pinalabas ng Makati Prosecutor’s Office ang tatlo sa mga itinuturing na suspek dahil sa kawalan umano nito ng mga katibayan laban sa mga naturang suspek.

"The pieces of evidence so far submitted are insufficient to establish that she was sexually assaulted or raped,” pahayag ng Makati Prosecutor.


Matinding pagdadalamhati ang parehong nararamdaman ng pamilyang Dacera at ng pamilya ni Claire. Maging ang mga netizens na naabot ng balita ng pagpanaw ni Christine noong January 1, 2021 at ni Claire kahapon ay nakikiramay sa kanila.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment