Nagsalita na ang aktor na si Janno Gibbs tungkol sa kinasangkutan nitong insidente sa pagitan ng co-host nitong si Kitkat sa programang “Happy Time”. Una nang napabalita na mayroong alitan na naganap sa dalawa habang nasa taping na naging dahilan pa nga ng pagmumura umano ng aktor at pag-iyak ni Kitkat.
Dahil raw dito kaya nakatakdang magsampa ng kaso si Kitkat sa kapwa host na ipinahiya raw siya. Samantala, nanatili namang tahimik sa isyu si Janno.
Ayon sa ulat, pinag-ayos na umano ng namamahala ng programa ang dalawa ngunit, hindi pa rin umano natigil si Kitkat at naglabas pa rin ito ng mga masasakit na pahayag sa social media laban kay Janno. Inirepost pa nga ito ni Janno na agad namang umani ng suporta mula sa mga kaibigan nito.
Kaya naman, kumalat ulit ang balita na tinanggal na umano sa programa si Kitkat matapos na hindi pa rin nagkaayos ang mga ito. Sa unang pagkakataon naman ay naglabas si Janno ng kanyang pahayag tungkol sa isyu kung saan, nilinaw dito ng aktor na maging siya ay wala na rin sa programa.
Ayon kay Janno, hindi niya raw inakala na ang mga simpleng biruan lamang daw nila ni Kitkat sa programa ay seseryosohin nito na naging dahilan nga ng insidenteng kanilang kinasangkutan. May mga sinabi rin umano sa kanya si Kitkat kaya umano napareact ito nang ganoon.
“This statement is being written to put this matter to rest once and for all.
“During live TV shows, and especially during game portions, it is usual for the hosts to challenge each other with playful exchange of words or teasing remarks to create more excitement, laughter and fun for the portion.
“All along, I thought that we were having an innocent, comedic banter and that she was playing along, but apparently, she had taken it personally. After she consecutively said several words against me, I was also affected and it made me react the way that I did.
“A series of online posts were made that threatened me and my family. It really hurt me that even my family was dragged into this. In spite of this, I kept quiet and only replied once hoping the issue would die down,” saad pa ni Janno.
Humingi na umano siya ng tawad sa kanyang co-host at maging sa management ng ‘Happy Time’. Sa kabila ng kinahinatnan ng naturang insidente, nagpapasalamat pa rin umano si Janno para sa maayos na pagtrato sa kanya ng programa at sa oportunidad na ibinigay ng mga ito sa kanya.
“I have apologized to my co-host and the management of the show. I have also publicly apologized. We have both been asked to leave the show. My personal learning is to not react so publicly in situations like this whether on air or online. I have also learned to treat my co-workers with even more sensitivity…
“I remain grateful to Net 25 for the opportunity to work for them. They have treated me well. And I will miss working with my brother, Anjo,” dagdag pa ni Janno sa kanyang opisyal na pahayag.
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment