Hindi nakaligtas sa maraming mga Pilipino at netizens ang ibinahaging opinyon kamakailan lang ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa kagaganap pa lamang na Miss Universe 2020 National Costume.
Sa ibinahaging tweet ni Catriona, isinaad nito ang mga bansa na nagustuhan daw nito amg National Costume. Ang mga ito ay ang Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine, at Vietnam. Ani pa nito,
“Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes! Who were yours?”
Kapansin-pansin na hindi kasali sa mga paboritong national costumes na ito ni Catriona ang kababayan at kumakatawan sa Pilipinas na si Miss Universe - Philippines Rabiya Mateo. Kaya naman, hindi nakaligtas sa mga netizen ang opinyon niyang ito at umani ng ilang mga hindi magagandang reaksyon.
Ani ng mga ito, nakakalungkot umano na hindi ginamit ng beauty queen ang kanyang boses para suportahan si Rabiya. Ang ginawang ito umano ni Catriona ay maaaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa performance ni Rabiya kaya hindi naiwasan ng ilan sa mga ito na madismaya umano sa Miss Universe winner.
Heto nga ang ilan sa komento ng mga netizen na umalma sa ibinahaging opinyon ni Catriona:
“I have nothing against Catriona. Pero dapat, sinarili mo nalang. Just imagine, kung ikaw nasa posisyon ni Rabiya at galing pa sa kapwa mo Pilipino.”
“You know what, Miss Catriona, di ko rin gusto national costume mo dati but I still voted for you to stand out kasi we are Filipinos, and you are, too, so we need to support you no matter what. In that tweet, you’re putting Rabiya down. Very disappointed in you, Miss Catriona.”
“You said before that you always feel the love and the support of every filipinos, but you're not giving that love and support to Rabiya. Even using your popularity to encourage your followers to vote for rabiya, sad lang… but i respect your opinion.”
“It's okay to express your thoughts and opinions, everyone is entitled to that. Pero there are things that we have to keep on ourselves lalo na kung makaka-apekto ito sa candidate ng sarili nating bansa.”
Gayunpaman, sa isa pang tweet ay binigyang linaw ni Catriona ang kanyang ibinahaging opinyon. Ayon dito, hindi naman umano base sa ipinakitang performance ng mga kandidata ang ginawa nitong pagpili sa mga paborito niyang national costume. Paliwanag nito,
“My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidate's performance. I love the celebration of culture and a country's expression of identity which is why it's one of my favorite segments!”
Mukhang hindi nagpaapekto sa mga ito si Catriona dahil sa isa namang Instagram story, pinuri nito si Rabiya dahil sa naging performance nito para sa pagdadala ng national costume.
Mahigit sa 20 kilo lang naman ang bigat ng national costume ni Rabiya kaya humanga dito ang kapwa beauty queen. Dagdag ani pa nga ni Catriona, excited na rin daw ito para sa ipapamalas ni Rabiya sa darating na preliminary round ng Miss Universe.
“20++ kgs but Rabiya Mateo carried it with such strength. If this is an insight to her level of performance, so excited for prelims,” ang ani pa tungkol dito ni Catriona.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment