Wednesday, August 18, 2021

Chismosang Kapitbahay, Hin4mpas ng Bato sa Ulo Matapos Mabuking na Nagpapakalat ng Tsismis


Duguan ang mukha at ulo ng babaeng ito na viral ngayon sa social media matapos na hampasin umano ng bato ang ulo nito ng kanyang mga kapitbahay. Natuklasan kasi ng mga ito na ang naturang babae raw ang nagpapakalat ng mga tsismis at gawa-gawang kwento sa kanilang lugar.

Sa naturang larawan, makikita ang isang babae na nakasuot ng kulay green na damit na napaupo na lamang sa sahig. Kita ang sugat nito sa tuhod at sa ulo nito na puno na rin ng dugo. Ayon sa ulat, chismosa umano ang naturang babae at naturuan lamang ng leksyon nang mabuking na ito ay nagpapakalat ng mga hindi totoong balita.

Nainis at napuno na umano sa naturang chismosa ang kanyang mga kapitbahay kaya siya sinugod at pinukpok ng bato sa ulo, dahilan para magkaroon ito ng mga sugat. Kahit walang basehan ay basta basta lamang umano ito na nagpakalat ng maling kwento.

Kaya naman, sa hindi inaasahan ay ito ang tinamo ng babae.


Agad naman na naging viral ang balitang ito dahil maraming mga netizen ang hindi rin sang-ayon sa gawain ng mga tinaguriang chismosa. Hindi mapigilan ng mga ito na manggigil sa naturang chismosa at sabihing tama lang umano ang tinamo nito dahil maling-mali talaga ang makialam sa buhay ng iba at magpakalat pa ng mga maling kwento.

Kung totoo man umano na chismosa ang babaeng nasa larawan, sana umano ay mayroon itong natutunan sa nangyari at huwag na ulit makisawsaw pa sa buhay ng ibang tao. Dagdag ani pa ng mga ito, dapat talaga umano ay bigyang parusa na ang mga tsismosa dahil maling mali ang ginagawa ng mga ito na nagpapakalat ng mga maling kwento at balita. 

Kung minsan, kahit sila rin umano ay gustong-gusto na ring sugurin ang mga tsismosa sa kanilang lugar dahil sa pinsala na dulot ng mga ito sa kanilang buhay. Bukod sa nakakapinsala ito sa buhay ng tao, kahit saang anggulo tingnan ay hindi talaga tama ang magpakalat ng mga mga maling kwento lalo na sa panahon ngayon.

Gayunpaman, kung hindi naman umano totoo ang paratang na chismosa ang naturang babae sa viral na larawan, maaari umano nitong ireklamo ang gumawa nito sa kanya lalo na kung mapapatunayan nito na wala siyang kasalanan.


Maging aral sana umano para sa lahat ang pangyayaring ito na huwag basta basta maniwala sa mga sabi-sabi at agad itong ipagkalat kahit na hindi pa alam kung saan galing ang balita at kung totoo ba ito. Mas lalong huwag umanong makikisawsaw ang sinuman kung ang tinatawag na tsismis ay tungkol sa pamilya dahil wala umano sa lugar ang mga ito para makialam.

Sa panahon ngayon, mas laganap pa ang pagpapakalat ng fake news at ang paninirang puri dahil sa social media. Mas madali na lamang ngayon na magpakalat ng pekeng balita at manira ng tao.

Kaya naman, sana raw ay isipin umano ng mga netizens ang mga bagay na kanilang ipo-post o sasabihin sa social media dahil ang pinsalang maaari nitong idulot sa biktima ay hindi na maibabalik pa.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment