Wednesday, August 11, 2021

PAALALA: Listahan ng Mga Authorized Vaccines na Requirement ng Ilang Mga Bansa sa Mga Inbound Travelers, Alamin!


Isa sa mga tinututukan ngayon ng ating gobyerno ay ang vaccination program. Ang mga vaccines ay ibinibigay ng libre ng ating gobyerno upang makamit ang tinatawag na "herd immunity" na kung saan ang malaking bahagi ng populasyon ng mga tao ay 'immune' na sa nasabing disease. 

Sa panahon ng krisis, maraming mga tao ang labis na nahirapan dahil sa nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19 na patuloy pa rin tayong lumalaban sa hindi makikita na kalaban. 

Kaya ganun na lamang kalaki ang paghahangad ng ating gobyerno na maraming tao ang mabakunahan para unti-unti na tayong babalik sa dating buhay. 

Ngayon, medyo hindi na masyadong mahigpit ang mga restrictions at mga border control sa gitna ng global COVID-19 vaccine rollout. Maraming mga tao ang hindi nagdadalawang isip na magpabakuna dahil sa alam nila, ito ang magiging 'ala lunas' sa krisis na kinakaharap.

Ngunit sa vaccination program ng gobyerno, bawat tao ay may karapatan na mabakunahan [personal choice] ngunit ang isang indibidwal o mamamayan ay hindi pwedeng makapili sa brand ng bakuna na ituturok sa kanya.

Ilang mga bansa ay hindi tumatanggap ng mga travelers na incolculated na ng Sinovac COVID-19 vaccine na; pinakamaraming vaccines na suplay sa Pilipinas. 

Mula noong June 16, lahat ng mga non-Saudi passengers at mga companions na gustong pumunta sa Saudi ay kailangan na mag register sa kanilang government  sa nakasaad na website bago ang departing.

Ayon sa Philippine Airlines and Saudi Airlines, ang Kingdom of Saudi Arabia ay nag lista ng mga authorized vaccines para sa mga inbound travelers.

  • Pfizer-BioNTech
  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Johnson & Johnson

Ngunit, noong May 26, Labor Secretary Silvestre Bello III, nagsabi na ang mga Overseas Filipino Workers o mga (OFWs) na nabakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine ay maaari pa ring pumasok sa Saudi, ngunit kailangan muna nilang i-quarantine.

Qatar

Ayon sa Philippine embassy sa Doha, ang mga inbound travelers patungong Qatar ay kailangan fully vaccinated sa mga nakalistang brands mula noong July 12;

  • Pfizer-BioNTech
  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Johnson & Johnson
  • Sinopharm ("conditionally approved")


Ayon sa Philippine embassy's advisory, ang mga inbound travelers na hindi pa fully vaccinated ay maaari pa ring pumasok sa Qatar, ngunit kailangan muna ng RT-PCR test at i-quarantine sa loob ng 10 araw.

Kuwait

Simula noong August 1, ang mga non-Kuwait travelers ay maaaring makapag travel sa Kuwait kapag merong valid residency permit at fully vaccinated sa mga vaccine brands;

  • Pfizer-BioNTech
  • Moderna
  • AstraZeneca
  • Johnson & Johnson

Sa  Europa rin, ayon sa European Union Delegation to Malaysia, simula noong July 7, lahat ng mga nabakunahan ng mga vaccine brands na approve ng World Health Organization ay maaaring makapasok sa Europe. 

  • Pfizer-BioNTech
  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Johnson & Johnson
  • Sinovac
  • Sinopharm

Canada

Heto naman ang mga accepted na vaccines sa Canada para sa mga travelers. Kinakailangan na ang mga travelers ay natanggap ang last dose at least 14 days bago pumasok sa nasabing bansa. 

  • Bharat Biotech
  • Cansino
  • Gamaleya
  • Sinopharm
  • Sinovac
  • Vector Institute
  • Other

Ayon sa Canadian government, maari pang mag expand ang mga authorozed vaccines na allowed na makapasok sa bansa nila.

Thailand (Phuket)

Ang mga turista na pumapasok sa Thailand (Tourism Sandbox program) ay kailangan fully vaccinated na registered sa Thai Food and Drug Administration (FDA) or ang mga vaccines na approve ng WHO.

  • Pfizer-BioNTech
  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Johnson & Johnson
  • Sinovac
  • Sinopharm
Papua New Guinea
  • Pfizer-BioNTech
  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Johnson
  • Sinovac
  • Sinopharm

Para sa ilang mga bansa gaya ng United States, United Arab Emirates, Taiwan, Malaysia and Singapore ay hindi pa nagpalabas ng mga authorized vaccines para makapasok sa kanilang mga bansa. 

Sa Hongkong, halimbawa, ang Pilipinas ay kino-considerar na Group A or "high risk."

Tanging mga Hong Kong residents lang ang ang pwede sa kanila. Isa pa sa mga boarding requirement nila ay dapat ang mga inbound travelers ay hindi naka stay sa Pilipinas ng mahigit dalawang oras sa araw na papunta na ng Hong Kong or "during the 21-day period." 

Source: rappler


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment