Saturday, October 2, 2021

Inang OFW, Nagulat nang Malaman Kung Ano ang Ginawa ng Kanyang Asawa sa Ipinapadalang Pera na Umabot na ng Php 300K


Marami sa ating mga kababayan ngayon ang nakikipagsapalaran at labis ang sakripisyo sa ibang bansa para maitaguyod ang pamilya sa kahirapan.

Marami rin sa mga kapwa natin Pilipino ang nagsakripisyo na mawalay sa kanilang pamilya para lang guminhawa ang buhay.

Araw gabi silang kumakayod at binuhos ang kanilang dugo at pawis para lamang may maipapadalang pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas. 

Ngunit, sa kwentong ito, labis na namangha at napasaya ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos sinorpresa siya ng kanyang anak at ng kanyang asawa sa kanyang pag-uwi. 

Labis na kasiyahan ang nadama ng isang ina na nagpakahirap magtrabaho sa ibang bansa nang sa kaniyang pag-uwi ay sopresahin siya ng kaniyang mister at mga anak ng Php 300,000 na inipon mula sa ipinapadala niyang pera.

Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes, sinabing sinimulan ni Rogelio Fortes ng Agoo, La Union na mag-ipon nang mag-OFW ang kaniyang kabiyak na si Rodelyn.


Ang mga ipinadalang pera ni Rodelyn para sa kanyang asawa at anak, hindi umano ito ginastos ng kanyang asawa at kung minsan nga raw ay dinadagdagan pa ni Rogelio, asawa ni Rodelyn. 

Kaya, pag-uwi ni Rodelyn sa Pilipinas, labis siyang nasorpresa sa nakita niyang naipong bande-banderang pera ng kanyang anak at asawa mula sa kanyang mga ipinadala.

"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako," anang mister.

Dahil sa ipon, naipaayos nila ang kanilang bahay at nakabili ng sidecar at motorsiklo.

"Hindi ko lubos maisip na ganun yung maiipon niya kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia," ayon kay Rodelyn.

Proud na proud din ang mag-asawa dahil kahit sa  ganoong paraan, naituro at naipakita nila sa kanilang anak ang kahalagahan ng pag-iipon. 


Ang kwentong ito ay isa lamang inspirasyon sa lahat na mahalaga talaga na ginagastos ang pera sa tamang paraan at hindi winawaldas lang ng basta-basta.

Ang pera na pinaghirapan ng ating mga magulang ay nararapat lang na pahalagahan natin dahil sa prosesong ito, kasama na ang dugo at pawis nila para maitaguyod lang ang pamilya.

Sa ginawa ng asawa ni Rodelyn, nararapat lamang na tularan ang ganitong mga asal, dahil sa panahon ng pangangailangan, meron kang ipon na pera na magagamit para panggastos sa mga pangangailangan. 

Panoorin ang buong video!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment