Tuesday, November 23, 2021

Gary Valenciano at Kanyang Misis, Patuloy na Ipinagdarasal si Pangulong Duterte!


Marami ang nagulat sa naging sagot ng beteranong singer na si Gary Valenciano at sa asawa niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano sa isang segment ng radio program. 

Ayon sa beteranong broadcaster-writer producer at talent manager na si Noel Ferrer, sa isang segment ng program may pa fill-in the blank doon na kailangang sagutin ng mga guests. 

"I'd love to talk to _____" ito ang fill-in the blank na kailangang sagutin ng mag-asawa. 

Diretsahan umanong sinabi ni Mrs. Valenciano na" I would love to talk to President Duterte." Ang sinambit naman ng kanyang asawa ay sinang-ayunan naman agad ng kanyang mister. 

Ipinaliwanag naman ni Mrs. Valenciano ang kanyang diretsahang sagot.

Ayon sa kanya, hindi niya umano makakalimutan nang nagtungo silang mag-asawa sa Davao City upang bisitahin ang Davao Children's Jail.

Dito, personal daw nilang kinausap noon si Mayor Duterte at pinasalamatan sa pagdalaw ng nasabing pasilidad. 

"I'll never forget because my grandma was from Davao. Mayor Duterte then went to see me and Gary to thank us because we went to the Davao Children's Jail," paglalahad ng misis ni Gary.

Sinabi raw sa kanya ni mayor Duterte na kaibigan nito ang kapatid ni Angeli na ang tinutukoy ay si Senator Kiko Pangilinan. 


"Mayor Duterte told me then, 'You know that your brother is my good friend and you have a very good man for a brother," saad pa ni Angeli.

Sa kasagsagan ng pandemya, tila ay naiba umano ang opinyon ni Pangulong Duterte tungkol kay Senator Kiko Pangilinan.

Dahil dito, nais umanong malaman ni Angeli kung ano ang nangyari. 

"So when all these things happened, it really just broke my heart because I became his fan. Whatever mistakes he has done, and I know he's made a lot. 

'I'll never forget how he said my brother is a good man, and I know that deep inside I know he knows that. So that's what I want to talk to him about and wanna ask him, 'What made you change your opinion?" aniya.


Dagdag pa niya, halos araw-araw niyang ipinagdarasal si Presidente Duterte dahil siya pa rin ang kanyang pangulo kahit may iba man siyang hindi nagustuhan sa mga sinabi at ginagawa nito.

"He probably doesn't know this, but I pray for him almost everyday because he is my president even if I don't like some of the things he says and does. 

Since he is the ordained president, it's our responsibility not to hate him but to pray for him," pahiwatig ni Angeli.

Source: newspresenter

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment