Monday, June 29, 2020

Babaeng Tiktoker, Kabit Pala Matapos Makita Ng Legal Na Misis Ang Suot Nitong Damit Ni Mister Sa Tiktok


Kapapanganak pa lamang umano ng nagrereklamo na si Cherry De Guzman nang lumapit ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Inirereklamo dito ni Cherry ang kanyang asawa na mayroon umanong kabit. Ayon pa kay Cherry, boarder umano nila ang babaeng kinakalaguyo ng asawang si Alexis de Guzman.

Kwento ni Cherry, hindi umano sila nagkasama ng kanyang asawa nang mag-lockdown.

“Na-cesarean kasi ako sir, eh. Hindi ako maka-alaga ng tatlo kong anak… nasa akin ‘yung mga anak ko. Ngayon, ayaw niyang pumunta rito. Ang dami niyang sinasabi, lahat na lang ng sintomas ng COVID nasa kanya na…

“Eh, ako naman naaawa ako kaya ako nagpapadala sa kanya ng pera. Lage akong nagpapadala kahit kakapanganak ko. Gusto ko lang siya na gumaling para pumunta lang rito. Ayaw niya pong umuwi…

“Iyon pala, ‘dun na po pala nagstart ang lahat,” saad pa ni Cherry.


Nalaman niya umano ang pagkakaroon ng kalaguyo ng kanyang asawa dahil sa mga sumbong sa kanya ng mga kaibigan na nakakakita kay Alexis at sa kabit umano nito na kanilang boarder.

Mariin namang itinanggi ni Alexis ang ibinibibentang sa kanya ng kanyang misis at sinabing naka-inuman niya lamang umano ang naturang babae.

“Nakakamiss rin pong uminom sir, eh syempre… gusto ko lang po talagang uminom.

“Boarders po namin ‘yun sir, eh nagkayayaan lang po,” depensa pa ni Alexis.

Ayon kay Cherry, may mga tao umano na desididong tumestigo sa ginawang pangangabit ng kanyang asawa. Isa pang ebidensya na maari rin nitong magamit ay ang isa umanong tiktok video kung saan, habang sumasayaw ay suot ng naturang babae ang damit ni Alexis.

“Sumasayaw ‘yung babae, nagti-tiktok siya. Gamit niya lahat ‘yung damit ng asawa ko. Anong iisipin mo na mararamdaman ko,” emosyonal pang saad ni Cherry.



Patuloy naman na dinedepensahan ni Alexis ang sarili at sinabing ‘tropa’ niya naman umano ito kaya nito isinuot ng babae kanyang damit. Ngunit, mas sinang-ayunan ni Tulfo ang daing na ito ni Cherry na mayroon ngang namamagitan kina Alexis at sa babae nito dahil sa ginamit nito angdamit niya.

“Ay hindi! Kaya sinuot ng ka-tropa mo ‘yun dahil pinasuot mo. Kaya mo pinasuot, sapagkat mayroon kayong relasyon,” saad pa nga dito ni Tulfo.

Humingi naman na umano ng tawad sa kanya si Alexis dahil sa kanyang nagawa.

Ngunit, ang paghingi umanong ito ng tawad ni Alexis kay Cherry ay nangangahulugan lamang na inaamin nga nito ang nagawa. Dagdag pa Cherry, hindi rin umano ito nagpapadala ng pera at si Cherry pa umano ang nagpapadala sa mister.


Sa nagawa nito, ayon naman kay Cherry ay nais niya umanong mapakulong nalang ang kanyang asawa. Dagdag pa ni Cherry, hindi man lang umano ito umuwi upang makita ang kanilang bunso na hindi pa umano nakikita ni Alexis.

“Gusto ko po sanang makulong ‘yung asawa ko, sir. Kasi, ni sustento kasi, wala,” ani pa nito.

Ayon mismo sa abogado, kahit testigo galing sa mga kaibigan at ang naturang tiktok video lamang ng babae ang hawak ni Cherry ay sapat na umano itong ebidensya upang sampahan ng kaso at maipakulong ang kanyang asawa.

Tutulungan naman si Cherry ng programa ni Tulfo sa pagsasampa nito ng kaso.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment