Isang uri na naman ng panloloko o modus ang kumakalat ngayon sa social media ayon sa post ng isang netizen sa Facebook.
Ayon sa isang trending Facebook post na nagsisiwalat ng naturang modus, ang modus na ito raw ay gumagamit ng pekeng resibo ng bank deposit. Buti na lamang ay naging maingat uamno ang netizen na muntikan nang maging biktima ng modus na ito.
Kwento ng netizen, isang babaeng gumagamit ng pangalang Pauline Michelle Ortega sa facebook ang bumili umano sa kanya ng cellphone.
Sa mga ibinahaging mga larawan ng netizen, nagkasundo na ang mga ito sa presyo ng cellphone at maging sa paraan ng pagbabayad ni Pauline.
Cash on Delivery (COD) ang napagkasunduan ng dalawa ngunit, mobile or online bank transfer umano ang paraan ng bayaran. Ibig sabihin, pagdating umano ng cellphone sa naturang Pauline ay ita-transfer na nito ang pera sa netizen.
Maayos naman umano ang kanilang naging transaksyon hanggang dumating na ang bayaran. Dahil ‘down’ umano ang kanyang bank account, bank account ng kapatid ng netizen ang kanyang ibinigay kay Pauline na padadalhan nito ng bayad.
Ngunit, wala umanong pera na pumasok sa bangko kahit hintay umano ito nang hintay na pumasok sa bank account ng kanyang kuya ang pera galing kay Pauline.
Iginiit naman umano ng naturang Pauline na naipasok na nito ang perang pamabayad ng cellphone. Bilang patunay, mayroon pa itong ipinadalang larawan ng isang resibo ng kanya umanong bank deposit sa netizen.
Ayon sa netizen, hiningi pa umano ng naturang Pauline ang kanyang cellphone number. Ilang sandali lang ay nakatanggap umano ito ng text na nagsasabing pumasok na umano sa bank account nito ang pera.
Dito na nagtaka ang netizen at napagtantong isang panloloko ang nangyayari sa kanya. Ang bank account na kanyang ginamit ay sa kanyang kuya kaya bakit naman umano sa numero niya papasok ang naturang text.
Dito na kinompronta ng netizen ang naturang Pauline sa panloloko nito sa kanya. Mabuti na lamang umano at hindi ibinigay ng delivery man ang cellphone sa babaeng iyon na isa pa lang manloloko.
Dahil lamang sa kagustuahn na magkaroon ng magandang cellphone, nagawa ng babaeng ito na manloko ng kapwa.
Sa kanilang pag-uusap, kinompronta ng naturang netizen ang naturang Pauline hanggang sa umamin umano ito sa kanyang panloloko.
Hindi lamang pala umano ang naturang netizen ang naloko ng nasabing Pauline. Marami na rin pala umano ang sinubukan nitong mabiktima ng kanyang bagong modus.
Kahit na ilang beses na humingi ng tawad si Pauline, hindi ito mapatawad ng naturang netizen sa ginawa nitong panloloko sa kanya.
Kaya naman, upang hindi na mangyari pa sa iba ang nangyari sa kanya, inilahad ng nasabing netizen ang modus ni pauline upang magsilbing babala sa mga ito.
Heto ang kabuuan ng kwento at babala na ibinahagi ng netizen na ito tungkol sa naturang modus:
“BEWARE!!! FAKE BANK DEPOSIT RECEIPT MODUS…
“Binibili niya iPhone 11 Pro ko.
“COD but bank trasfer daw so I gave her my brothers bank account (since down yung account ko). Naka 10 times na yata ako balance walang pumapasok pero iniinsist niya na nadebit na siya.
“Hiningi niya number ko at after ilang mins may nagtext sakin na pumasok na nga yung pera sa bank. Natawa nalang ako kasi how come makakapagtext sakin yung bank eh di ko naman account yun? At ang text pa eh pumasok na yung pera sa SAVINGS account?
“CHECKING po ang account ng kapatid ko. Buti mautak rin ang lalamove, hindi pinasilip o pinahawak ang phone ko not unless nareceive ko ng maayos yung money.
“She blocked me after ko sinabi na nasa rcbc ako to check the receipt. So kung nadelay lang ang pasok ng pera, bakit ka mambblock? Hindi ba dapat nag hysterical ka na kung nadebit sa account mo yung ganung kalaking pera?
“Kapal ng mukha niyong magjowa ineenglish english niyo pa ko mga ul*l. Feeling conyo pa kayo mga g*go. F*cking sc8mbag.
“BEWARE. MAG INGAT PO TAYO LALO NA SA PANAHON NGAYON, TALAMAK NANAMAN ANG SAMU'T SARING MODUS.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment