Masayang inanunsyo ng Kapamilya star na si Ritz Azul ang kanyang naging engagement sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Inanunsyo ng 25 taong gulang na aktres ang magandang balita na ito sa kanyang Instagram acount.
Kasama ang dalawang larawan nito na suot ang kanyang engagement ring at kasama ang kanyang fiance, saad ni Ritz,
“This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy. #engaged #myfiancé”
Si Ritz, o Ritz Ann Riggie Villanueva Azul sa totoong pangalan, ay dating talent ng TV5 ngunit ngayon ay mayroong ekskusibong kontarata sa ABS-CBN.
Bagama’t ikinagulat ng marami dahil sa ganda nito, hindi naging lihim at naging bukas sa publiko ang pagiging NBSB (No Boyfriend Since Birth) ni Ritz.
Ngunit, taong 2018 nang sa wakas ay mayroon nang ipinakilala si Ritz na lalaking nagpapatibok umano sa puso nito. Ito ay ang non-showbiz na si Allan Guwi.
Kaya naman, sa panibagong anunsyo na ito ni Ritz tungkol sa kanilang relasyon, marami ang natuwa at agad na nagpaabot ng kanilang pagbati para sa dalawa.
Kabilang sa mga celebrities na nagpaabot ng pagbati para kay Ritz ay sina Julia Montes, Sue Ramirez, Arci Munoz, Miles Ocampo, at iba pa.
Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang mga co-star ni Ritz dati sa ‘Los Bastardos’ na sina Kylie Versoza, Maxine Medina, at Jake Cuenca.
Kita ang saya at pagiging blooming ni Ritz sa panibagong kabanata na ito sa kanyang buhay.
Sa isa pa ngang Instagram post, magiliw na ikinwento ni Ritz sa unang pagkakataon ang umano’y love story nila ng kanyang fiance. Heto ang naging laman ng naturang Instagram post ni Ritz:
“Sharing our love story for the first time... #firstandlastguy #engaged
But before that, I want to thank our friends and family for making this magical moment possible. Thanks also to everyone who greeted us. Above all, I thank God for everything!!!”
“Year 2016, nakilala ko si Allan at naging magkaibigan kami. Naging best of best friends kami, lahat nasasabi ko sa kanya at sobra ko syang napagkakatiwalaan. Hanggang sa nakilala sya ng mga pamilya ko, at nakilala ko ang pamilya nya. Hindi ako naghahanap ng boyfriend dahil nangako ako sa sarili ko na hindi ako magaasawa para hindi ako mahirapan in the future. Dumating sa point na nagpapahiwatig sya sakin na mahal nya ako. Hindi naman nya ako tinanong kung okay lang ba maging magbf-gf kami. Pinakikita lang nya sa actions nya. Isang araw naging prangka ako sa kanya, sinabihan ko sya na mas mabuting magmahal sya ng iba para hindi masayang ang panahon nya sakin dahil hindi magwowork ito, hindi ko kaya. Sumagot sya ng “Hindi ako nagmamadali. Nandito lang ako palagi para sayo. Maghihintay ako kahit gaano katagal pero hindi ko pinapangako na kakayanin ko. Gagawin ko ang lahat.” Naisip ko, may ganitong tao pa pala? Parang too good to be true. Hanggang sa taon nanaman ang lumipas, tinupad nya ang mga sinabi nya, hindi nya ako iniwan. Natanong ko tuloy ang sarili ko ulit kung ganun pa rin ba ang gusto ko? Hindi ako magaasawa? At ngayon, hindi lang ako ang nagmamahal sa kanya, kundi buong pamilya at kamaganak ko.”
“Sa proposal nya ang daming naging hindrances. Kinwento nila sakin na dapat sa Switzerland magaganap pero biglang nagkaroon ng mga pangyayari at ng pandemya. Ngayon, naganap ang proposal sa farm nila sa Batangas. Umuulan pa pero nung moment na magpopropose na sya, nagclear ang langit at kita pa ang bundok. Pagkatapos nyang magpropose, umulan ulit. Sobrang magical. Napabanggit ako ng “Salamat sa Dios.””
“Shineshare ko ito para magkaroon ng hope at kahit papaano mashare ang kasiyahan sa ganitong panahon. Sa gitna ng pandemya at sa mga nangyayari sa mundo, marami ring magagandang bagay ang nangyayari, hindi lang puro pangit. Gusto ko ring ishare na minsan ang paghihintay ang nakakaganda sa kwento ng buhay.”
Source: trendzph
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment