Sunday, June 28, 2020

Jake Cuenca at Kylie Verzosa Mas Pinatatag Ang Relasyon Dahil Magkasama Sila Nitong Lockdown; "Parang Ganito Na Pagka Kasal Na."


Mula nang ipatupad ang lockdown ay tumira sa iisang condo unit ang aktor na si Jake Cuenca at ang girlfriend nito na si Kylie Verzosa.

Ayon kay Jake, masaya ito na makasama ang Miss International 2016 lalo na’t ngayon niya masasabing naibibigay niya na umano ang kanyang buong atensyon dito. Ang pagsasama nila ngayong quarantine period ay nagpatibay pa umano sa kanilang relasyon.

“So for me, usually when we're together, let's say, normal, walang lockdown or anything, you're working with a schedule, right? Subconsciously, 20 percent of you is going to the next day… Nakikita mo sarili mo, papunta ka na ng taping, papunta ka na ng shooting.

“So this is really the first time I gave someone my undivided attention, like, 100 percent attention only on that special person… I would say that's the biggest luxury... for the first time, I was able to give my undivided attention to Kylie.

“Kumbaga, iyong lockdown, parang siyang early stage. Parang ito na rin siguro… parang ganito
na pagka kasal na. Di ba, lagi kayong magkasama and everything?


“This is siguro an early experience for us both. And if anything, nag-strengthen iyong relationship namin,” ani pa ng 32 taong gulang na aktor.

Dagdag na kwento pa ng aktor, hindi umano sila masyadong nag-aaway kahit sa matagal na panahon na magkasama silang dalawa. Kung meron man, bihira umano ito at hindi rin malala.
“Surprisingly, hindi kami masyadong nag-aaway.

“I mean, obviously, nangyayari kasi wala kaming kasambahay at the most part. Actually ngayon, meron na, so sobrang thankful kami for that…

“Pero nung sa simula, hindi kami nag-aaway,” dagdag pa nito.

Aniya, malaking bahagi umano nito ang pagkakaroon pa rin nila ng oras para sa kanilang mga sarili kahit buong araw silang magkasama. Ang 28 taong gulang na si Kylie ay madalas umano na sa tanghali nagagawa ang kanyang alone time habang tuwing umaga naman si Jake.


“Then after, during the day, doon na kami magko-connect-connect. Parang, I think, importante rin na makagawa kayo ng schedule sa isa't isa…

“I think that 'alone time' is important. Kumbaga, you have to do you. You also meditate on yourself, focus on yourself…

“So far, if anything, iyong lockdown, nag-strengthen lalo ang relationship namin,” kwento pa nito.
Ayon kay Jake, bagama’t nababahala rin ito sa mga hindi magagandang pangayayari sa mundo, mas pinipili niyang tingnan ang mga magagandang bagay na nangayayari sa kabila nito.
Saad niya pa nga, ang pagiging positibo sa panahong ito ang isa sa mga mahirap gawin sa ngayon dahil sa mga nangayayari.

“I guess, the big challenge, like, the big thing for everyone, is to stay positive. Despite everything that's going on, we must count our blessings and still be grateful for what we have.



"That's what I practice every day when I wake up. Just be grateful for every little thing we have,” ani niya pa.

Kaya naman, ayon pa kay Jake ay sinisikap umano nito na maging positibo at mas magpasalamat pa sa lahat ng mga bagay, maliit man o malaki, na nangyayari o dumarating. Saad niya pa nga,

“I'm actually very fortunate enough to be able to do what I love to do and be able to do, which is act, and be able to do something different also.

“This whole experience, this whole quarantine, mas na-appreciate ko iyong mga bagay na wala dito ngayon, which is having to work, having to meet the people, your friends. Parang ngayon, mas na-appreciate ko lahat ng mga bagay.”

Source: PEP
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment