Thursday, June 25, 2020

Michael V., Inimbita Si Matteo Guidicelli Sa Isang PS5 Unboxing Matapos Makita Ang Nagtrending Na Video Nito


“Anytime. Game on.”

Ito ang naging sagot ni Matteo Guidicelli nang imbitahin ito ni Michael V sa isa na namang unboxing video. Sa pagkakataong ito, isang PS5 unoxing video naman umano ang kanilang gagawin.

Imbita pa nito kay Matteo sa kanyang Instagram account,

“UH OH!”

“Who’s down for this?”
“Let’s do this @matteog !”

Madalas nang gumawa ng mga unboxing video si Michael V. sa kanyang Youtube Channel. Ngunit, unang beses pa lang itong ginawa ni Matteo.


Nitong nakaraang linggo, sa unang beses nito ng pag-uunbox, umani agad ng mga batikos galing sa mga netizen si Matteo.

Ito ay dahil sa hindi umano maayos at magandang pagkaka-unbox ni Matteo sa isang PlayStation 4 Pro bundle na sponsored at nagkakahalaga lang naman umano ng Php 25 000.

Una pa lang, ipinaalam na ni Matteo sa mga viewers nito na ito umano ang kanyang unang beses na gumawa ng naturang video.

“I'm not good at unboxing, this is my first time. So maybe later I can learn,” saad pa nga nito.

Hindi kagaya ng ilang vlogger na dahan dahan at ingat na ingat na hindi mapunit ang box, sa hindi umano sinasadya ay napunit nito ang box ng PS4.


“Please keep the sleeve for extended warranty service... I just broke it, sorry. Anyways,” dagdag pa nga ni Matteo habang nag-uunbox.

Hindi naman nakaligtas sa mga netizen ang ginawang ito ni Matteo. Naging trending pa nga ang aktor dahil dito.

Maliban sa pagiging trending at negatibong komento ng mga netizen, inulan rin ng ‘dislikes’ ang Youtube video na ito ni Matteo.

Bagama’t umani na ito ng mahigit sa 1.6 million views, ang ‘dislikes’ naman nito ay umabot na sa 65 000 ang bilang kumpara sa mga nag-like nito na nasa 12 000 pa lamang.

Heto ang ilan sa mga hindi magandang reaksyon at opinyon na ibinahagi ng mga netizen sa vlog na ito na Matteo:

“Matteo Guidicelli's unboxing video wasn't therapeutic at all. WHO DESTROYS THE GODDAMN BOX???????? WARRANTY WHO????”

“He may be an army reservist but he should not “macho” every single thing that he does. I’m talking about Matteo Guidicelli’s PS4 Pro unboxing. Sobrang tacky and destructive mag-unbox. :((“

“Saw Matteo Guidicelli's PS4 pro unboxing... my anxiety holy shit. I was so bothered how he tore the boxes.”

“Bruh the Matteo Guidicelli unboxing video made my head hurt pls don't let him unbox his ps5 when it comes out. He foken slammed the controller on the table lmaoo”


Gayunpaman, mayroon rin namang ibang netizen na hindi ginawang ‘big deal’ ang ginawang ito ni Matteo.

Heto naman ang ilan sa mga opinyon ng mga netizens na salungat sa mga nambabatikos sa kanya,

“I grew up playing ps1 and ps2 with my nephew, I’m not a gamer tbf, but I don't mind what Matteo Guidicelli did to his unboxing video of PS4. What I am pissed, is those haters who set standards in how to unbox properly a console or anything. Big deal sa inyo yon?”

“Matteo Guidicelli unboxing a PS4 is the funniest thing I’ve seen today. (Granted, kagigising ko lang, but it’s still pretty funny :)) Ganito mag-unbox ang mayaman.”

“Matteo Guidicelli is now trending because of the "wrong unboxing". Those people bashing him really shows how toxic this world to live. What a mindset.”

“matteo guidicelli's unboxing video is probably the most unbothered and organic unboxing i've ever watched. no pretense. ginawang gift wrapper ang box mga sis. ang funny.”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment