Tuesday, June 30, 2020

Ryza Cenon, Umaming Buntis; Tatay Ng Bata, Sino Nga Ba?


Isang pasabog sa unang araw ng July ang inanunsyo ng aktres na si Ryza Cenon sa kanyang Instagram account.

Kasabay ng pagbabahagi nito ng kanyang mga larawan kung saan kita ang baby bump nito, inanunsyo ni Ryza na limang buwan na umano siyang buntis sa isang baby boy.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. #prayeranswered #Godsgift #newjourney,” saad pa nito.

Sa ulat na ibinahagi ng pep.ph, dito umano unang ibinahagi ng 32 taong gulang na aktres ang kanyang pagbubuntis.

“Buntis po ako,” saad pa umano nito.

Ayon kay Ryza, nagdesisyon umano itong ianunsyo na ang kanyang pagdadalang tao upang hindi na nito kailangang magtago pa.


"Kung hindi ko rin naman po kasi aaminin ang totoong sitwasyon ko, ako rin naman po ang mahihirapan… Kapag lalabas ka, kailangan mo pang magtago. Mas maganda yung wala kang iniisip kung lumalabas ka or may gusto kang gawin,” ani pa ni Ryza.

Buwan umano ng Abril nang malaman ni Ryza na buntis siya. Dagdag niya pa, isa umanong ‘quarantine baby’ ang kanyang ipinagbubuntis.

Bumuhos naman ang mga pagbati sa aktres para sa bagong yugto na ito sa kanyang buhay. Masaya ang mga ito lalo na ang mga kaibigan at tagasuporta ni Ryza sa pagkakaroon niya ng baby.

Ngunit, ang tanong agad ng marami tungkol sa pagbubuntis Ryza ay kung sino ang ama nito. Huling napabalita na nakarelasyon ng aktres ay si Cholo Barretto.

Kasabay ng pasabog na anunsyo ni Ryza ay ang pagpapakilala rin nito sa publiko ng kanyang boyfriend na ama ng kanyang ipinagbubuntis.


Sa kanyang ibinahaging Instagram post, naka-tag ang isang Miguel Antonio Cruz na kumuha umano ng kanyang mga larawan..

Ayon kay Ryza, si Miguel umano ang kanyang kasalukuyang boyfriend na ama rin ng kanyang dinadala. Pribado umano itong tao ayon kay Ryza. Ngunit, disesyon umano nilang dalawa na maging pribado rin ang kanilang relasyon kaya hindi niya ito naipakilala dati.

Si Miguel ay isang cinematographer na nakabase na ngayon sa Maynila. Ilan umano sa mga peLikula kung saan nagsilbi itong cinematographer ay ang ‘T’yanak’, ‘The Girl in the Orange Dress’, at ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’.

Ayon kay Ryza, nakilala niya umano ang boyfriend noong nakaraang taon. Isang kaibigan umano ni Ryza ang nagpakilala sa kanila sa isa’t-isa.

“Si Miguel, nakilala ko po siya last year ng end of June. After po naming mag-Belgium sa General’s Daughter…

“Ipinakilala po siya sa akin ng friend ko, manager ng bank na si Ms. Maricar. Tapos, yun na po… Halos seven months din po siyang nanligaw sa akin,” pagkukwento pa ni Ryza.


Sa ngayon, bagama’t gusto na umano ni Miguel na pakasalan siya, hindi pa umano handa para rito si Ryza. Ayon sa kanya, mas gusto niya umanong mag-focus muna sa kanilang anak.

Ayaw niya umanong madaliin ang desisyon ng pagpapakasal at mas gusto niya umano na mas tumatag muna ang kanilang relasyon bago ang pagpapakasal.

Mensahe naman umano ni Ryza sa kanyang mga taga-suporta,

“Ang message ko po sa mga fans, sana happy sila, kasi happy naman po ako. Matagal ko naman pong dinasal ito kaya, yun nga, sana ay maging masaya na lang po sila sa akin, at ipagdasal po kami na maging okay ng anak ko sa sitwasyon ngayong pandemic.

“At sa mga mangba-bash, God bless.”

Source: PEP & gmanetwork 

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment