Monday, June 29, 2020

Sunshine Cruz, Proud Na Proud Sa Kanyang Boyfriend Dahil Sa Pagiging 'Best Father Figure' Neto Sa Kanyang Mga Anak


Sa nakaraang selebrasyon ng Father’s Day, isang matamis na mensahe ang iniwan ng aktres na si Sunshine Cruz para sa boyfriend nito na si Macky Mathay.

Dito, ipinagpasalamat ng 42 taong gulang na aktres ang pagkakaroon umano ng ‘BEST father figure’ para sa kanyang mga anak sa katauhan ng kanyang 40 taong gulang na boyfriend.

Sa isang Instagram Post nitong ika-21 ng Hunyo, saad ni Sunshine,

“My Macky! Happy Father’s Day!

“I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and to your children but to my three girls and our dogs as well. Mag aapat na taon na! Napakabuti mong tao.”

Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Sunshine at Macky ngayong Setyembre. Nagkakilala umano ang dalawa sa pamamagitan ng half-sister ni Macky na si Ara Mina.


Si Sunshine ay may tatlong anak sa dati niyang asawa na si Cesar Montano habang ganoon din naman si Macky na may tatlo ring anak sa dating asawa.

“Punong-puno ka ng pagmamahal and because of that, umaapaw ang pagmamahal na yan at iyo ding naibabahagi sa mga tao na nakakasama mo maliban sa pamilya.

“I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have. We are all blessed to be loved by you,” dagdag pa nga ni Sunshine.

Si Macky, o Ismael "Macky" Mathay IV, ay isang fitness ambassador at businessman. Hindi maikakaila ang kasiyahan ng aktres na si Sunshine sa ilang taong relasyon niya rito.

Kaya naman, ipinagpapasalamat niya ang pagdating ni Macky sa kanyang buhay at ang pagmamahal umano nito sa kanyang mga anak. Ani pa nito,


“I am truly grateful to God for sending someone like you in our lives. Salamat dahil tinanggap at minahal mo din kami ng mga anak ko. Happy Father’s Day. Napakabuti mong ama kina Charlie, Roan and Colin and again thank you for loving Angelina, Sam and Chesca too.

“May God bless you more! We love you my Macky!”
Labis din naman na ikinatuwa ni Macky ang matamis na mensaheng ito sa kanya ng kanya umanong ‘first true love’ at inspirasyon. Sagot niya naman sa mensaheng ito sa kanya ng girlfriend,

“Thank you for this very beautiful Father’s Day greeting my Sunshine. You truly are to me my greatest blessing, miracle, first true love and my definitely my inspiration to be the best man that I can be!

“While our six angels (Ro, Cole and Charlie/Ange, Sammy and Cheskie) will always also inspire me to be the best father/father figure that I can ever be. Mahal na mahal ko kayong lahat my Sunshine!!”


Bagam’t maayos ang lagay ng kanilang relasyon at di maitatanggi na mahal nila ang isa’t-isa, ayon kay Sunshine ay wala pa sa ngayon ang plano nilang magpakasal.

Ngunit, kung sakaling mangyari ito, suportado ng mga anak ni Sunshine na sina Angelina, 18, Samantha, 16, at Cheska, 14 ang mangyayari.

Malapit ang loob nila sa boyfriend ng ina at pati na rin sa mga anak ni Macky.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment