Monday, June 22, 2020

Xander Ford At Ex Niyang Si Ysah, Hindi Totoong Nagkaayos Na; Pamilya ni Xander, Nagmamakaawa Kay Ysah


Muling tinalakay sa programa ni Raffy Tulfo ang tungkol sa isyu sa pagitan ni Marlou Arizala aka Xander Ford at dati nitong girlfriend matapos umanong maghayag ni Marlou sa social media na nagkaayos na umano sila ng kanyang ex na si Ysah Cabrejas.

Ayon kay Ysah, wala umanong katotohanan ang mga isinasaad ni Marlou na nagkaayos na sila. Sa katunayan, iyong kumalat umanong live video ni Marlou na humihingi ng tawad sa kanya ay binura na rin umano nito.

“Opo. Meron po siyang live video na humihingi po siya  ng sorry. Umiiyak po siya pero wala naman pong luha ‘yung iyak niya…,” saad pa nga ni Ysah.

Mula nang magreklamo si Ysah tungkol sa mga pananakit sa kanya ni Marlou ay hindi pa umano ito nakikipag-usap sa kanya.

Ngunit, ayon kay Ysah ay kinontak umano siya ng nanay at kapatid ni Marlou. Imbes na si Marlou ay ang pamilya pa umano nito ang komontak sa kanya at humihingi ng tawad.


“Ysah mama to ni Xander. Ineng baka pwede kitang pakiusapan, baka pwede kitang tawagan. Ako mismo maghahatid sa pusa mo kung gusto mo,” saad pa umano sa text na ipinadala sa kanya ng mama ni Xander.

Nagmamakaawa umano ang pamilya lalo na ang mama ni Xander na magkaayos at patawarin nalang umano ni Ysah si Marlou. Ayon pa nga umano sa mama nito, malaking kahihiyan na umano sa kanila ang ginawa ni Marlou kaya nagmamakaawa ito ngayon na patawarin na lamang ang ginawa ng anak.

“Naaawa rin po ako sa magulang niya po. Mabait po yung mama niya, eh… mabait po. Hindi ko alam kung bakit naging ganun po ‘yung ugali niya,” saad naman ni Ysah.

Ayon kay Ysah, maliban sa pamilya ay maging ang manager umano ni Marlou ay pinagtatakpan din ito na siya namang kinondina ni Tulfo.

Sa inilibas naman na live video ni Marlou kung saan humihingi ito ng tawad, halata umano na hindi totoo ang pinagsasabi nito. Sa katunayan, sa naturang video ay mas natuon pa nga umano ang pansin ni Marlou sa pagkakaroon nito ng halos 18 000 na viewers.




Kung gusto talaga umanong makipag-ayos ng isa, sana umano ay diretsahan niyang kinontak si Ysah at hindi iyong nagpopost lamang sa social media.

“Makipag-uganayan po siya sa mga komo-contact po sa kanya. Sabihin niya po ‘yung side niya kung talagang wala siyang ginawang masama,” mensahe pa umano ni Ysah kay Marlou.

Ayon kay Tulfo, tuloy pa rin ang kaso na isasampa kay Marlou. Mayroon na ring mga staff ng ‘Raffy Tulfo in Action’ na pinapunta kina Marlou upang kunin ang mga gamit ni Ysah na hindi na ibinalik ng dating boyfriend nito.

Kagaya rin ng ibang mga netizen, nanghihinayang din maging si Tulfo sa ginawa ni Marlou sa girlfriend nito. Kahit ganoon umano ang mukha nito ay mayroong taong nagkagusto sa kanya. Iyon nga lang, inabuso pa nito. Saad pa nga ni Tulfo,


“Napakaswerte na, sinayang talaga ni Xander ‘yung... diba saan ka makakakita niyan. Ginusto siya for who he is. Nagustuhan siya hindi dahil sa retokado siya. ‘Nung ganun yung mukha niya, nagustuhan siya at minahal talaga siya  nito. Napakaswerte na…

“Despite pa na balasubas ‘yung ugali, nagustuhan pa rin siya. Bibihira ‘yung ganoong klase.”

Panoorin ang buong video dito!



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment