Nadiskubre kamakailan lang ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na mayroon umanong 22 000 benepisyaryo ng Social Amelioration Program ang doble ang natanggap na ayuda.
Sa programang SAP ng pamahalaan at DSWD, makakatanggap ng tulong ayuda na Php 4000 hanggang Php 6000 ang mga pinka-apektadong mga mamamayan ng Pilipinas dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19.
Isa sa mga siguradong makakatanggap nito ay ang mga miyembro umano ng 4P’s o ang Pantawid Pamilyang Pillipino Program.
Matapos ang pamimigay ng ayuda sa mga napiling benepisyaryo ng SAP, mayroong problemang napag-alaman ang DSWD.
Ito ay ang pagkakaroon umano ng 22 000 SAP beneficiaries na tumanggap ng dobleng ayuda. Ayon sa DSWD, inaaksyunan na umano nila ang naturang problema.
Ayon sa inilabas na pahayag ni DSWD Undersecretary Rene Paje, babawiin umano ng DSWD ang perang ito na dobleng naibigay sa 22 000 benepisyayryo.
Para umano sa mga miyembro ng 4P’s na doble ang natanggap na ayuda, ikakaltas na lamang umano ito sa buwanang allotment ng miyembro.
Para naman sa mga benepisyaryo na hindi miyembro ng 4P’s, naabisuhan na umano nila ang lokal na pamahalaan na apektado nito na siyang babawi sa dumobleng ayuda.
Ayon sa DSWD, matapos ang pagdoble ng natanggap na ayuda ng ilan sa benepisyaryo, mayroon umanong mga pamilya na kusang nagsauli ng pera sa ahensya at sa lokal na pamahalaan. Bagay na labis naman nitong ipinagpasalamat.
Dahil umano sa nadiskubreng problema na ito sa SAP, mas hinigpitan pa umano ng DSWD ang kanilang proseso ng validation sa mga benepisyaryo ng programa.
Mas pinag-igting rin umano ng ahensya ang kanilang pagmomonitor at pag-iinspeksyon bago ipamahagi ang mga ayuda.
Samantala, matapos ang pamimigay ng unang yugto ng SAP, nakatakda na umanong simulan ang pamamahagi ng ikalawang yugto ng ayuda sa mga benepisyaryo nito.
Ayon sa DSWD, mas sinigurado na umano nila sa pagkakataong ito na wala nang kaso ng pagdoble ng ayuda na matatanggap ang isang SAP beneficary.
Dahil sa naunang insidente nito sa unang yugto ng pamimigay ng SAP, mas naging maingat na umano ang DSWD.
“The payout for the second tranche of non-4Ps benficiaries will be conducted immediately after the process of deduplication…
“The DSWD believes sa katapatan ng pamilyang Pilipino. Kung mayroon pong nakatanggap ng higit sa isang ayuda dapat ibalik nila ito sa kanilang local government units,” saad pa ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.
Ayon sa ahensya, mayroon umanong mga nadagdag sa listahan ng mga makakatanggap ng ikalawang yugto ng SAP. Ito umano ay ang mga pamilya na nasa waitlist ng DSWD sa unang bahagi ng pamimigay ng SAP.
Ang pamimigay ng tulong ayuda sa mga Pilipino ay isa sa mga solusyon ng gobyerno sa nangyaring lockdown o Enhanced Community Quarnatine sa halos buong bunsa. Marami ang apektado at nawalan ng trabaho dahil dito kaya ang SAP ang naging solusyon upang makatulong sa mga ito.
Maliban sa mga natatanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaan at mga pribadong organisasyon, ang ayudang nakukuha mula sa SAP ang isa sa mga inaasahan ng maraming mga Pilipino ngayong panahong laganap pa ang COVID-19 sa bansa.
Panoorin ng buo ang video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment