Friday, July 3, 2020

Insensitve Comment Ng Isang Vlogger Tungkol Sa Mga Tricycle Driver, Inulan Ng Batikos Sa Social Media


Viral ngayon ang isa umanong vlogger at influencer na si Buknoy matapos ang hindi magandang mga salita na binitiwan nito sa isang video.

Isang video ng vlogger na ito ang kalat na kalat ngayon sa social media kung saan, maririnig itong minamaliit ang marangal na trabaho ng mga tricycle driver.

Ani umano ni Buknoy sa naturang video, kapag hindi umano nagsumikap ang isang tao upang tuparin ang kanyang mga pangarap, magiging katulad lamang umano ito ng mga tricycle driver na walang mga narating sa buhay. Saad nito,

“Wag na wag kayong sumukong tuparin ‘yong mga pangarap nyo. Kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang wala kayong mararating tulad nito… (itinuro ang dumaang tricycle driver).”


Dagdag pa nitong sabi doon sa tricycle driver na dumaan,

“Kuya! Hi ka sa vlog! Ayan kuya, sikat kana.”

Hindi nagustuhan ng mga netizen at ng sinuman na nakapanood ng video na ito ang mga inihayag ni Buknoy. Naging insesitive umano ang vlogger at hindi umano nito alam ang sinasabi.

Kaya naman, trending agad ang vlogger sa twitter kung saan, kinwestyon ng marami ang pagiging ‘influencer’ umano nito. Sa ginawa ni Buknoy, malayo umano ito sa estado ng pagiging isang ‘influencer’ na dapat sana ay nagbibigay ng magandag halimbawa sa iba.

Nakakagalit umano ang mga inilabas nitong pahayag lalo na sa mga anak ng tricycle driver. Hindi kagaya ng inihayag ni Buknoy, ang mga triCycle driver ay mayroong mga narating sa buhay dahil nagsusumikap ang mga ito upang mabuhay at mapag-aral ang kanilang mga anak.

Kaya naman, hindi pinalagpas ng mga netizen ang umano’y vlogger at inulan ito ng mga batikos. Maging ang Karen Davila impersonator at UP graduate na si Kaladkaren ay hindi rin napigilan na magkomento sa ginawang ito ni Buknoy.


“Aral muna, beh. ‘Wag puro Tiktok,” paulit-paulit pang sabi ni Kaladkaren dito.

Heto ang ilan sa mga pahayag sa twitter ng mga netizens tungkol sa trending statement na ito ni Buknoy:

“Hi, Buknoy. Tricycle drivers are victims of circumstances. It’s not that they din’t dream enough for themselves. It’s coz they dream more for their kids. I‘m a son of a tricycle driver, nakapag-UP. May naabot si Papa sa pagmamaneho - ‘yung mga pangarap ko. “

“I will never be ashamed of having a father like mine because he was able to send me to school (private school in high school) even if the money he makes from driving isn't enough sometimes. So Buknoy, you are so insensitive and cruel. I hope you know that. “

“Buknoy, What's wrong with being a tricycle driver? Sa ganton moments you should call him a hero kasi sila naghahatid ng other heroes to protect YOU. YOU BETTER LEARN HOW TO NEVER DEGRADE SOMEONE'S WORK. SO GLAD MY PARENTS DIDN'T LET ME GREW UP LIKE THIS.”


“hello Buknoy, first off i do not know you but i just want to say f*ck you for creating such sh*t that belittles people of noble profession. my father is a tricycle driver and he may not be as privileged as you are but he surely is more educated and kind, influencer my a*s >>”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment