Tuesday, July 21, 2020

Bea Alonzo at Dominique Roque, Officially in a Relationship na nga ba?


Tila ipinahihiwatig ng aktor na si Dominique Roque na opisyal na ang kanyang relasyon sa aktres na si Bea Alonzo sa pinakabagong larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Hindi man kita ang kanilang mga mukha, tagged naman sa naturang larawan si Bea kung saan ani pa ni Dominique dito,

“Tila ako’y nabighani…”

Sa ginawang ito ni Dominique, marami ang hindi napigilang killigin sa umano’y bagong pag-ibig na natagpuan ng dalawa. Marami ang nagpaabot ng kanilang tuwa na muli sa na namang pag-ibig ni Bea matapos ang hindi magandang pagtatapos ng dati nitong relasyon.

Basta’t nakikita umano nilang masaya ang aktres, handa nila itong suportahan ng kanyang mga taga-hanga. Nakikita naman daw nila na masaya ang aktres kay Dominique kaya naman natutuwa ang mga ito para kay Bea.


Samantala, para naman sa mga nakasunod sa buhay ni Dominique, ani ng mga ito, sa wakas umano ay natapos na ang buhay ‘third wheel’ ng aktor. Kung dati ay kasama ito palagi sa lakad ng mga magkasintahan dahil nga ito ay single, ngayon umano ay magkakaroon na ng sariling kasama si Dominique.

Trending agad sa social media ang umano’y rebelasyon na ito nina Bea, 32 taong gulang. At Dominique, 30 taong gulang. Samu’t sari ang mag reaksyon ng mga netizen tungkol sa posibleng relasyon ng dalawa ngunit, karamihan naman sa mga ito ay masaya para kina Bea at Dominique.

Heto ang ilan sa mga positibong pahayag na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa dalawa:

“I am so happy for the both of u, Dominic Roque and Bea Alonzo. third wheel no more is waving HAHHAHAH love u.”



“they look good together, i can see sincerity and pure love”

“OMG I AM SO HAPPY IF DOMINIC ROQUE AND BEA ALONZO ARE DATING. CHECK THEIR RECENT IG POST. DI NATIN SURE KUNG DATING SILA OR FOR UPCOMING PROJECT PERO P*TANGINA MY HEART GOES OUT FOR THE BOTH OF THEM”

“After seeing this, naniniwala din ako na after my painful break up,May darating at darating parin talaga na taong magpapangiti ulit sayo”

“Never would have thought Bea Alonzo and Dominic Roque would be a couple, but this looked kinda cute. They have that ready-to-settle-down vibe going on. My heart.”

“What is the meaning of this Dominic Roque and Bea Alonzo???? Chaaaar! Kung anuman yan, G lang!”

“Bea Alonzo and Dominic Roque?!?!?! Together!???! Together like together as in IN A RELATIONSHIP together???? ooh age really doesn't matter bijes”



Isa rin sa ikinagulat ng marami dahil sa umano’y anunsyong ito ay ang pagiging 30 taong gulang na pala ni Dominique. Inakala ng marami na mas bata pa rito ang edad ng aktor kaya di maiwasan ng iba na mag-alangan sa layo ng edad nito kay Bea.

Ngunit, laking gulat ng mga ito nang malamang hindi naman pala nagkakalayo ang edad nina Bea at Dominique. Kaya naman, nawala lang din ang naturang mga alinlangan at pinuri pa ang aktor dahil sa layo umano ng mukha nito sa kanyang totoong edad.

Gayunpaman, ang importante umano ay masaya ngayon ang dalawa kaya buong-buo ang suporta nila sa mga ito.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment