Tuesday, July 21, 2020

DJ Loonyo, Bistado na Naman sa Isa Pang EX Nito na Tinawag Niya Lamang Daw ‘SPONSOR’


Matapos ang pagiging trending ni Rhemuel Lunio, o mas kilalang DJ Loonyo, dahil sa mga rebelasyon na isiniwalat ng ex nitong si Aika Flores tungkol sa kanya, isa naman umanong ex-girlfriend ni Loonyo ang lumitaw at naglabas ng isa pang rebelasyon.

Kung matatandaan, sa naging rebelasyon ni Aika ay mayroon itong nabanggit na isang babae na pinaghihinalaan niyang girlfriend daw ng dancer s Cagayan de Oro. Ngunit, itinanggi umano ito ni Loonyo at sinabing SPONSOR niya lamang umano ang naturang babae na kusang nagbibigay sa kanya ng pera.

“... during the ligawan time meron nagmessage sakin girl siya (di ko na lagay name niya as respect) tinanong ako kung gf ako ni rhems kasi nga may gf daw sa CDO. nagulat ako at agad kong sinabihan si rhems na wag na manligaw. dineny ni rhems si ate girl from CDO ang sabi niya sakin “sponsor” niya daw kusa daw nagbibigay ng tulong sakanya financially…,” ani pa ni Aika tungkol sa naturang babae.

Matapos ilabas ni Aika ang naturang mga rebelasyon at kasinungalingan kay DJ Loonyo, isa umanong Facebook page ang may inilabas na detalye tungkol umano sa naturang ‘sponsor’ na tinutukoy ni Loonyo.


Ayon sa Facebook page, hindi ‘sponsor’ ang naturang babae dahil dating girlfriend umano ito ni Loonyo. Ang tinutukoy nilang ito ay si Jam Bantigue na dati ring girlfriend ni Loonyo ngunit kanya lamang itinanggi.

Bilang patunay pa umano dito, sa mismong post na ibinhagi ng page ay mayroong makahulugang reaksyon na iniwan si Jam. Dito, nag-iwan umano si Jam ng isang unggoy na ‘emoji’ na nagtatakip ng mukha.

Ang mga komento din ng ibang mga netizen ay isa ring patunay na si Jam nga ang sinasabi ni Loonyo na kanyang ‘sponsor’ ngunit ang totoo ay kanya palang ex-girlfriend. Ayon pa nga sa isang komento, nang mga panahong pumuta umano si Aika sa CDO at nanatili roon ng limang buwan, magkarelasyon din umano sina Loonyo at Jam.

Kaya naman, hindi umano maisip ng naturang netizen kung paano pinagsabay ni Loonyo ang dalawang babae gayong siya umano mismo ay nakita ang madalas na pagbisita ni Jam kina Loonyo sa CDO.


Bilang respeto, binura na umano ng naturang Facebook page ang naturang post tungkol kay Jam, ngunit sapat na iyon upang malaman ng publiko na si Jam nga ang tinutukoy nitong ‘sponsor’.

Maging si Aika sa kanyang naging rebelasyon ay nabanggit din na noong siya ay nasa CDO umano ay ilang beses niyang nahuli ang dancer na mayroong kausap sa text na ibang babae. Ang babaeng ito naman ay parehong babae pa rin na ipinakilala sa kanya ni Loonyo bilang ‘sponsor’. Kwento pa nga tungkol dito ni Aika,

“... sino ba naman di magseselos kapag nahuhuli mo katext pa niya ex niya (yung SPONSOR niya daw, ilang beses), hahanapin mo palagi sa umaga magugulat ka nasa cr palaging dala ang laptop wala ka naman naririnig na sounds…”

Mayroon ding mga screenshots ng pag-uusap umano nina Jam at Loonyo sa Facebook kung saan sweet ang mga ito. Kumakalat ngayon ang maraming ebidensya tungkol sa naging relasyon ng dalawa na nagpapatunay ng pagiging sinungaling daw ni Loonyo.


Kaya naman, muli na namang inulan ng batikos ang dancer at kabi-kabilang pambabash na naman ang natatanggap nito. Ayon pa nga sa mga kakilala umano ni Jam, nanatili umanong tahimik si Jam sa kabila ng lahat ng panloloko ni Loonyo sa kanya. Ngunit, hindi umano nila makakalimutan ang ginawang panloloko ni Loonyo kay Jam.

Source: thedailysentry

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment