Monday, July 20, 2020

LJ Reyes, Proud sa Galing ni Paolo Contis sa ‘Through Night and Day’


Umaani ngayon ng maraming papuri galing sa publiko ang pelikulang ‘Through Night and Day’ na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi. Kaya naman, kabi-kabila rin ang natatanggap ng papuri ng dalawa dahil sa kanilang magaling na pagganap sa pelikula.

Kaugnay nito, hindi rin pinalampas ng aktres na si LJ Reyes ang pagkakataon na ipahayag kung gaano nito ipinagmamalaki ang partner na si Paolo dahil sa mahusay nitong pagganap sa ‘Through Night and Day’.

Sa isang Instagram post, nagbahagi si LJ ng isang magandang mensahe para kay Paolo kung saan, isinaad niya rito kung gaano siya ka-proud sa narating ng aktor.

“Let not this night pass without me posting how proud we are of you!!!! ‘Pag pwede ka na tumabi samin, panuorin natin ulit pati ang #AngPangarpKongHoldap! Di ko kaya ng ako lang,” ani pa ni LJ.


Maliban sa ‘Through Night and Day’, kabilang din si Paolo sa pelikulang ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ na trending din ngayon sa bansa. Kaya naman, malaking tagumpay ngayon para kay Paolo na mapabilang sa dalawa sa pinakanangunguna at tinatangkilik ngayong pelikula ng publiko.

Ayon kay LJ, masaya umano ito para kay Paolo lalo na’t nakikita na umano ng mga tao kung gaano ito kagaling bilang isang aktor. Ani pa nito,

“I’m so happy that now people will see how good of an actor you are and so much more!!! I’m grateful to see you become the best of you! And much more grateful that it’s unfolding right before my eyes! ‘Pag gising ng mga bata papakita ko. Kitang kita ko na magiging reaction nila! Lalo na si Aki!!!! Hahaha ngayon, pwede na kita gupitan??? we love you @paolo_contis!!!”

Natuwa naman si Paolo sa naging mensaheng ito sa kanya ng kanyang partner. Kaya naman, sa naturang IG post ay nagpasalamat si Paolo kay LJ.


“Thank you so much mahal ko!! Please know that i am doing all the best i can para proud kayo sakin! And yes, pwede mo nako gupitan! Hahahha i love you,” ani pa ni Paolo.

Bagama’t hindi umano si Paolo ang unang choice na gumanap sa naturang pelikula, ayon sa katambal nitong si Alessandra ay ‘perfect’ umano na si Paolo ang tuluyang gumanap sa karakter ni ‘Ben’ sa pelikula. Patunay dito ang mga papuri ng mga tao sa galing ni Paolo sa pagganap sa karakter ni ‘Ben’.

Trending at number 1 sa Netflix Philippines ang pelikulang ‘Through Night and Day’ na kumuha sa atensyon ng maraming mga manonood. Hindi man naging patok sa masa noong una itong inilabas sa sinehan, sobra-sobra naman ang pagsuporta at papuri na nakukuha nito ngayon sa publiko.

Nang unang inilabas sa sinehan ang ‘Through Night and Day’ noong taong 2018, malayo sa nakukuha nito ngayon ang atensyon na ibinigay sa kanila dati ng publiko. Ngunit, nang muli itong ipalabas at maisama sa Netflix, agad naging trending topic ang pelikula at naging paborito ng marami sa social media.


Dahil dito, parehong walang mapagsidlan ng tuwa sina Alessandra, Paolo at maging ang iba pang mga taong bumuo sa ‘Through Night and Day’.

Source: panaynews

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment