Maraming mga mata ang napaluha sa kwento ng matandang mag-asawa na ito sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.
Higit pa sa nakakaawa ang sitwasyon ngayon ng mag-asawang ito na nakatira lamang sa isang maliit na tent sa may tabi ng kalsada.
Kahit uugo-ugod na dahil sa katandaan, isinisiksik ng dalawang matanda ang kanilang mga sarili sa isang maliit na tent na kanilang itinuturing na tahanan.
Ang mas nakakalungkot pa dito ay ang katotohanan na itinakwil umano sila ng dalawa sa tatlo nilang mga anak. Ang isa ay nasa bansang Japan habang ang isa naman ay nasa Maynila.
Kaya naman, emosyonal na ikinwento ni lola ang tungkol sa mga ito habang inaalala ang dalawang anak na ilang taon nang hindi nagpaparamdam sa kanila.
“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila. Bakit naman nila kami ginaganito. Ni hindi nila kami pinapadalhan…
“Kahit sulat lang… kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat lang o kahit sa facebook lang makita namin sila, sasaya na kami…
“Hindi na nila kami naaalala,” emosyonal pang saad ni lola.
Ang nag-iisang tumutulong lamang umano sa kanila ay ang kanilang isang anak bagamat mayroon na rin itong pamilya. Anuman ang mayroon ito, binibigyan rin umano ng naturang anak sina lolo at lola..
“Naaawa ako sa kanya dahil marami rin siyang anak. Kung mayroon sila, binibigyan kami eh kung wala sila, wala rin kami. Siya lang mag-isa ang tumutulong sa amin. Naawa rin ako dahil marami siyang anak. Gusto ko nga na matulungan siya…,” kwento pa ni nanay.
Itong nag-iisang anak na lamang ni lola ang tanging sumusuporta at tumutulong sa kanya. Maski sa anak niyang ito ay naputol na rin ang koneksyon ng dalawa niya pang anak.
Ayon sa kwento ng anak na ito ni lola, hindi naman umano ganito ang kanilang buhay dati. Masagana naman umano dahil sa kapatid niyang nasa Japan ngunit, dahil sa mga hindi pagkakaintindihan ay nagalit umano ito kina lola kaya itinakwil nito ang kanyang mga magulang.
Kahit nang minsang nanghingi umano ito ng tulong para sa pagpapagamot kay lolo- sa kanilang ama, ay tumanggi umano itong tumulong. Mula noon, maging siya ay hindi na rin komontak pa sa mga kapatid. Ito na lamang ang nag-iisang sumusuporta sa kanilang mga magulang kahit mayroon na itong sariling pamilya.
Labis naman ang pangungulila ni lola para sa dalawang anak niyang ito. Kahit sulat man lang umano sana ay magparamdam lalo na ang anak niyang nasa Japan.
“Gusto ko Anabel, umuwi ka na man. Maskin anong mangyari sa amin na makikita mo kami… matanda na kami…
“Maawa ka naman sa amin. Kung nakikinig ka naman, bigyan mo naman kaming pansin,” umiiyak pang saad ni lola.
Dahil sa mga dumating na tulong para kina lolo at lola, nakalipat na ng tirahan ang mga ito sa isang mas maayos na kubo. Iniwan na rin nito sa wakas ang maliit na tent na kanilang naging tirahan. Ngunit, ang kanilang pangungulila sa dalawang anak ay nananatili.
Marami naman ang humanga sa nag-iisang anak na siyang tumutulong ngayon kina lolo at lola. Anumang kamalian na nagawa ng isang magulang, hindi pa rin umano ito sapat upang itakwil at kalimutan ito ng tuluyan ng mga anak.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment