Lumilitaw ngayon ang pangalang Ann Sheila Montes Belarmino na umano’y kasama sa anim na suspek sa pagpatay sa lady driver na si Jang Lucero. Si Belarmino ngayon ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lucero na natagpuang patay sa kanyang kotse at mayroong 52 saksak sa katawan.
Ikatlong araw ng Hulyo nang inaresto ng mga kapulisan si Belarmino bilang suspek sa pagpatay kay Lucero. Base sa mga lumabas na ulat, si Belarmino ay malapit na tao sa buhay ni Lucero. Ito umano ay dating girlfriend ng kasalukuyang karelasyon ng biktima.
Ayon sa salaysay ng karelasyon ni Lucero na si Meyah Amatorio, bago maputol ang kanyang komunikasyon kay Belarmino ay sinabi umano nito na mula Bulacan ay mayroon itong tatlong pasahero na ihahatid sa Gil Puyat, Maynila.
Ilang oras matapos nito, hindi na na-contact pa ni Amatorio si Belarmino. Dito na nito inilapit sa pulis ang pagkawala ng kasintahan.
Ayon naman sa pahayag ng hepe ng Public Information Office ng Calabarzon na si Capt. Mary Ann Torres, tinuturing nila ngayong mastermind ng krimen si Amatorio. Malaking bagay umano sa paghuli sa mga suspek ang mga nakunan ng mga CCTV sa lugar.
“Siya ay naging suspect based dun sa mga CCTV footage, ganun din sa statement ng witnesses. Siya rin ang tinutukoy na mastermind sa case. In-e-establish pa rin ‘yung motive,” saad pa ni Capt. Torres.
Sina Belarmino umano ang huling naging pasahero ni Lucero bago nangyari ang krimen. Kita sa CCTV ang tattoo umano ni Belarmino at base na rin sa mga inilabas na pahayag ng mga saksi ay ito ang tinutukoy ng mga ito.
Ayon kay Amatorio, wala umano itong alam na mayroong kaaway o nakaalitan si Belarmino.
Bago pa ito mahuli, nakapag-share pa umano ng isang Facebook post si Belarmino tungkol sa pagkamatay ni Lucero. Napuno naman ng mga komento ang naturang post dahil sa ito pala umano ang suspek.
Ayon sa pahayag ni CALABARZON Police Regional Director PBGen. Vicente Danao, isa sa mga tinitingnan nilang anggulo na dahilan ni Belarmino sa pagpatay sa biktima ay selos.
“Si Anne ay allegedly may konting selos dun sa biktima. Siya mismo yung sumakay sa saksakyan ng biktima and napaka-importante na na-identify siya dahil siya mismo yung kasama nung mga sumaksak sa biktima,” saad pa nito
Nasa kamay na ngayon ng Calamba Police Station si Belarmino. Sinampahan na rin ito ng kasong pagpatay o muder.
Pinaghahanap naman na ngayon ng pulisya ang limang iba pa na suspek rin sa naturang krimen. Dagdag pa ni PBGen. Danao, binibigyan umano nila ng pagkakataon ang naturang mga suspek na sumuko ngunit, mukhang wala pa rin umano itong planong lumitaw. Kaya naman, saad nito,
“Doon sa kasama na hindi pa nahuhuli, we are on manhunt. Sabi ko nga nung una pa... I am giving you a chance to peacefully surrender. Now ayaw niyo sumurender nung una pa…
“Remember nai-file na namin ang case of murder laban sa naarestong suspek. So now we are on manhunt. Sabi ko nga ‘pag magpang-abot tayo diyan at lumaban kayo sa pulis, sigurado may PAGLALAGYAN kayo!!!”
Si Belarmino ay suma-sideline lamang bilang lady driver gamit ang sariling sasakyan matapos itong mawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Nito lamang ika-28 ng Hunyo, natagpuang walang buhay si Belarmino sa loob ng sariling kotse at mayroong 52 saksak sa katawan.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment