Tuesday, August 4, 2020

Ang Tamang Pagsusuot ng Face Mask Ayon kay Mayor Isko Moreno



Sa isa mga pagkakataon na humarap sa media at publiko si Manila City Mayor Isko Moreno, ipinakita nito sa publiko ang umano’y tamang paraan ng pagsusuot ng face mask o surgical mask.

Sa naturang video kung saan ipinapaliwanag ni Mayor Isko ang tamang pagsusuot ng mask, humingi siya ng pabor sa mga tao na ipakalat umano ang naturang post upang malaman at matutunan ito ng maraming tao.

“Save this, ha. Please, please, please. Save this post and repost it sa inyong mga mahal sa buhay,” ani pa ni Mayor Isko.

Upang maayos na maipakita sa mga tao ang umano’y tamang paraan ng pagsusuot ng mask, nagkaroon pa ng demo si Mayor Isko kasama ang kanyang Vice Mayor.


Ang tinutukoy rito na face mask ni Mayor Isko at ni Vice Mayor Ma. Sheilah "Honey" H. Lacuna-Pangan ay ang surgical mask o tinatawag ding medical mask. Ayon sa payo ng ilang mga eksperto, kompara sa isang face mask na gawa sa tela ay mas ligtas umano ang pagsusuot ng surgical mask laban sa COVID-19.

Karaniwan na ang surgical mask ay mayroong dalawang kulay: kulay asul at puti. Ayon kay Mayor Isko at Vice Mayor, mayroon umanong ibig sabihin ang mga kulay na ito ng surgical mask na siyang nagdidikta kung paano ito susuotin.

Ayon sa ginawang paliwanag ni Vice Mayor, kapag daw ang taong magsusuot ng surgical mask ay mayroong sakit, ang puting bahagi ng face mask ay dapat daw na nasa loob habang ang asul na bahagi naman ay nasa labas o siyang nakikita ng tao.


Ito raw kasi ay dahil ang puting bahagi ng face mask ay humaharang sa anumang sakit na mayroon ang nagsusuot upang hindi na ito makahawa pa sa iba.


“Kapag tayo po ang may sakit, ‘yung white po ang nasa loob kasi ‘yung white po, ‘yun po ‘yung nagpe-prevent… ‘yung humaharang po sa bacteria. Para hindi po tayo makahawa, dapat po ‘yung white ang nasa loob, ‘yung blue ang nasa harap,” paliwanag pa ni Vice Mayor.

Ngunit, kapag ang tao umano na magsusuot ng face mask ay wala namang sakit, kabaliktaran naman umano ang gagawin. Dapat umano na nasa harapan ang kulay puting bahagi ng mask habang ang asul na parte naman nito ang nasa loob.

“Kung ayaw naman nating mahawaan tayo o tayo ‘yung mahawaan, ‘yung white po ang nasa labas. ‘Pagka malusog po tayo, ‘yung white po ang nasa labas para hindi po pumasok [ang bacteria]... Ibig sabihin, ayaw po nating mahawa o madapuan,” muli pang paliwanag nina Mayor Isko at ng kanyang Vice Mayor.


Ilang beses pang inulit ni Mayor Isko ang naturang paalala tungkol sa tamang pagsusuot ng face mask. Ayon dito, mahalaga umano na malaman ng publiko ang tungkol sa naturang bagay kaya muli niya ring hinimok ang mga ito na ipakalat pa ang naturang impormasyon.

Ayon kasi sa Alkalde, maging ito umano ay hindi rin alam dati ang tungkol sa tamang paraan ng pagsusuot ng surgical mask. Ilang araw pa lamang umano ang lumipas mula nang malaman niya ang tungkol dito kaya naman, minabuti na rin ni Mayor Isko na ibahagi ang kanyang nalalaman sa publiko.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment