Thursday, August 27, 2020

Bianca King, Tuluyan na nga Bang Iiwan ang Showbiz at Permanenteng Manirahan sa Australia?



Kamakailan lang, dahil sa isang Instagram post na ibinhagi ng aktres na si Bianca King ay marami ang nagkaroon ng hinala na tuluyan na umanong iiwanan ng aktres ang showbiz upang permanenteng manirahan sa ibang bansa.

Ang Instagram post na ito ay ibinahagi ni Bianca noong ika-11 ng Agosto kung saan, isinaad ng aktres ang umano’y paglipat nito sa bagong bahay.

Sa naturang Instagram post, ibinahagi ni Bianca ang isang larawan ng kanyang kusina na madalas makita sa mga vlog nito. Ayon sa aktres ay mamimiss niya umano ang naturang kusina na hindi niya na muling magagamit sa kanyang mga vlog.

Caption pa rito ni Bianca,


“Something I won't get to do anymore ever... shoot videos in this kitchen. Will miss the comfort of the creating content with friends in this house that sparked so much creativity. ⁠

“I'm moving on and starting a new chapter. Maybe a different kitchen in a different home? @gabbycantero_ come to Sydney??⁠”

Dahil sa pagbanggit ni Bianca tungkol sa paglipat ng bahay at sa bansang Australia, marami ang nagtatanong kung lilipad na nga ba umano ang aktres sa Australia para doon manirahan.

Ngunit, ang hindi alam ng ilan ay nasa Australia ngayon ang aktres. Ayon kay Bianca, hinihintay na lamang umano nito na mawala na ang lockdown upang makabalik na siya sa Pilipinas.


“I’m just waiting for the borders to open. I’m still here but will fly back when it’s safe,” ani pa ni Bianca.


Ayon kay Bianca, noong isang taon pa umano siya nasa Australia; noong mga panahong wala pa ang lockdown at ang pagsasara ng boarders ng maraming mga bansa dahil sa COVID-19.

“I’ve been here pretty much since last year. Same same. I’m just waiting for the borders to open,” muli pang ani ni Bianca.

Kung matatandaan, sa isa sa mga vlog na kanyang ibinahagi, nakasama pa nga nito dati ang aktres na si Sofia Andres noong ito ay nasa Australia rin at nagdadalang tao.

Dahil dito, matapos ang mga hinalang lilisanin na ni Bianca ang showbiz, isang netizen ang kaswal na tinanong ang aktres kung buntis nga ba ito kaya niya iiwan ang pag-aartista. Sagot naman dito ni Bianca,


“I would be lucky at my age of 34 if that happened easily. Also, it’s 2020.”

Bagama’t hindi nilinaw ni Bianca kung aktibo pa ba ito sa showbiz, ani nito ay hindi umano siya mawawala sa publiko at makikita pa rin siya ng mga ito sa Instagram at sa kanyang mga vlog.

Ani pa ni Bianca, kahit hindi umano siya nakikita ng personal ng marami, normal naman umano ito sa panahon ngayon at siniguro nito na naka-konekta pa rin siya sa kanyang mga kaibigan.

“no one is really seeing each other now since everyone is home. I see and speak to my friends more often now via FaceTime and zoom. Same same!

“I’m not going anywhere. I will still be right here on Instagram everyday,” saad pa ni Bianca.


Si Bianca ay naging bahagi ng teleseryeng ‘Pusong Ligaw’ kung saan, gumanap ito bilang si Margarette ‘Marga’ Dimaawa. Ilan sa mga nakasama niya rito ay sina Sofia Andres, Beauty Gonzales, Diego Loyzaga, at Joem Bascon.

Source: Ptama

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment