Thursday, August 27, 2020

Matteo Guidicelli, May Bagong Nadiskubre sa Misis na si Sarah Geronimo! Kung Bakit, Alamin Dito:



“She’s a perfectionist.”

Ito ang binitawang papuri ni Matteo Guidicelli para sa asawang si Sarah Geronimo matapos itong maging saksi kung gaano umano katuon si Sarah sa trabaho nito.

Kahit sa ilang taon na pagiging magkarelasyon nina Sarah at Matteo, aminado ang aktor na ngayong mag-asawa na sila ay mayroong mga bagay na ngayon pa lamang nito natutuklasan tungkol kay Sarah.

Isa na nga sa mga ito ang pagiging tuon at ang pagmamahal umano ni Sarah sa trabaho na mayroon ito. Sa isang Instagram Live na ibinahagi ni Matteo kamakailan lang, naibahagi nito kung gaano kasipag sa pagtatrabaho si Sarah kahit na nasa bahay lamang ito.


“For two days, she’s been inside the studio. She’d only come out for a meal. She’s recording for her ASAP,” pagkukuwento pa ni Matteo.

Dahil sa nasaksihang ito, mas humanga pa umano si Matteo kay Sarah na talaga namang hindi matatawaran ang sipag at pagmamahal sa trabaho. Ilang araw umano ang ibinibuhos ni Sarah para maibigay lamang ang pinaka-maganda nitong performance sa trabaho.

Ani pa nga ni Matteo, kahit na mayroon itong sariling recording studio sa kanilang bahay, kung hindi lang daw dahil sa ECQ ay talagang hindi umano magdadalawang isip si Sarah at personal umano itong pupunta sa ASAP upang mag-perform.

Ganito umano nito kamahal ang kanyang trabaho at ang mga taong sumusuporta rito.


“If it wasn’t for ECQ or this whole thing, [she’s probably] going to ASAP [days before the show]. She’d be in the studio rehearsing, recording. But now, we don’t have the liberty of doing that…

“She is really something,” ani pa ni Matteo.


Isa rin umano sa napansin ni Matteo sa kanyang misis ay ang pagiging iba umano nito kapag tumutuntong na si Sarah sa entablado. Humahanga umano si Matteo sa kung gaano ibinibigay ni Sarah ang lahat para lamang mapaganda ang kanyang performance.

Kaya naman, dagdag rason na naman umano ito upang lubusang maging ‘proud’ si Matteo sa kanyang misis. Para umano sa mga taong hindi alam ang pagtatrabahong ibinibigay ni Sarah para makapagpasaya ng tao, nais niya umanong malaman ng mga ito na hindi biro ang paghahanda na mga ginagawa ni Sarah.


Pagmamalaki pa nga rito ng aktor,

“Once she gets there, she’s so focused. Everytime I see her perform on stage… wow! That’s my wife! I forget she’s the person I live with.

“She’s a perfectionist. People don’t know this. People don’t know how hard she works to perfect a song number. I am very proud of her. She’s her own engineer right now. She’s doing her own thing.”

Dahil sa mga pahayag na ito tungkol kay Sarah na galing pa mismo kay Matteo, mas dumami pa ang mga taong humanga sa Popstar Royalty. Sapat na patunay na umano ang mga ito kung gaano kamahal ni Sarah ang kanyang trabaho at ang mga taong patuloy na sumusuporta rito.


Para naman sa mga dati nang tagahanga ni Sarah, hindi umano sila nagkamali at nagsisisi na si Sarah ang napili nilang suportahan at bigyan ng buong paghanga.

Source: definitelyfilipino


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment