Matapos ang ginawang aksyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa umano’y kumakalat nitong pekeng nude photo, pinagbabayad ngayon ng kampo ni Catriona ang tabloid na umano’y responsable sa pagpapakalat ng naturang larawan.
Sampung milyong peso ang hinihinging bayad ng kampo ni Catriona mula sa tabloid na naglabas ng naturang pekeng larawan ng beauty queen. Ito umano ay dahil sa pinsala na inihatid ng naturang larawan sa reputasyon ni Catriona na agad inilabas ng naturang tabloid sa publiko nang hindi umano inaalam kung gaano ito katotoo.
Maliban pa umano ito sa malisyosong artikulo na inilabas ng tabloid kasabay ng naturang larawan. Headline pa ng naturang tabloid sa naturang artikulo tungkol kay Catriona,
“After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA! OMG!!!”
Sa isang demand letter na inilabas ng legal counsel ni Catriona, malisyoso at wala umanong basehan ang inilabas na pekeng larawan ng naturang tabloid na sinadya umano nitong inilabas dahil sa isyu na nakapalibot sa beauty queen na may kaugnayan rin sa ex-boyfriend nitong si Clint Bondad.
Ang administrator ng nasabing tabloid na si John Doe, enterntainment editor na si Janice Navida, at writer na si Melba Llanera ang umano’y itinuturing na maaaring nasa likod ng pagbabahagi ng naturang larawan sa publiko, ayon pa rin sa demand letter ni Catriona.
“It appears that Bulgar, being aware of the trending issue of Clint Bondad's Instagram posts and thereafter having obtained a copy of an explicit altered photo from an unidentified source, purposely uploaded the subject photo in its online platform and subsequently published it in its tabloid, without verifying its sources…
“The caption further made a baseless and malicious claim, that the subject photo is indeed our client — despite evident uncertainty as to its legitimacy,” saad pa umano sa isang bahagi ng naturang demand letter.
Kung matatandaan, lumabas ang isyu tungkol sa larawan na ito ni Catriona noong laganap din sa social media ang kontrobersiya tungkol dito, kay Sam Milby, at sa ex-boyfriend nitong si Clint.
Bilang aksyon dito, nagtungo si Catriona sa National Bureau of Investigation (NBI) upang humingi ng tulong at imbestigasyon na matunton ang nasa likod ng pagpapalaganap ng naturang larawan.
Bago nito, una nang nilinaw ni Catriona at ng kanyang kampo na peke ang naturang hubad umano nitong larawan na balak daw ipakalat sa social media.
Maliban sa bayad danyos na hinihingi ni Catriona at ng kanyang panig, humihingi rin umaano ang beauty queen ng public apology mula sa naturang tabloid. Ani pa nito sa demand letter na kanilang inilabas,
“Clearly, the upload of subject photo with the libelous caption has gravely besmirched and caused discredit to our client in the minds of the general public, taking into account biases and moral prejudices, the consequences of which produced irreparable harm and injury to our client…
“Thus, as a result of Mesdames Navida and Llanera and Mr. John Doe's patent and offensive acts, demand is being made in the amount of ten million (10,000,000) pesos for the damage caused upon our client…
“In addition, a public apology directly addressed to Ms. Gray is likewise enjoined.”
Source: philstar.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment