Marami ang nagulantang sa social media nang mapanood ang FB Live ni China Roces habang nag-aaway ito at ang kinakasamang si Tim Sawyer. Sa naturang FB Live, maririnig ang pagbabatuhan ng dalawa ng masasakit na salita at paglalahad ng mga maiinit na rebelasyon.
Bagama’t karamihan sa mga netizen ay kampi sa panig ni China, mayroon pa ring iba na kinwestyon ang intensyon umano nito at kung bakit kailangan pang idaan sa FB Live.
Kaya naman, isa sa mga kaibigan umano ni China ang naglabas ng kanyang panig tungkol sa tunay umano na nangyayari kina Tim at China. Sa isang pahayag, ayon sa kaibigang ito ni China ay tatlong linggo na umanong tumatanggal ang naturang away sa pagitan ng dalawa ngunit, pinilit umano ni China na manahamik muna kahit nasasaktan na ito sa mga ginagawa ni Tim.
Gaya ng isinaad ni China sa kanilang FB Live, totoong nagpaplano si Tim na bumili ng sariling bahay at sasakyan at magtayo din ng sarili nitong negosyo.
Ngunit, sa lahat ng ito, wala umanong alam si China at intensyonal umanong itinago ni Tim ang mga ito sa kinakasama.
“Maybe ayaw ni Tim na pakialaman ni China dahil meron naman itong sariling negosyo, but at least she should know kung ano nangyayari sa business na pinaplano niya itayo. Halos araw araw wala si Tim, lagi nalang kasama nung pinagkatiwalaan nya.
“China even mentioned na minsan nagtalo sila, mas pipiliin daw ni Tim pakisamahan ‘yung mga taong kakakilala palang nya kesa kila China at Baby Timothy!
“Masakit para kay China na parang
wala syang role kay Tim para hindi ipaalam ‘yung mga bagay na dapat open lalo na sa klaseng decision making na ginawa ni Tim,” pagbabahagi pa nito.
Maliban dito, maging sa pera ay naglilihim din umano si Tim kay China. Nang minsang humingi umano ito rito ng pera para panggastos sa kanilang mga pangangailangan, nagalit umano si Tim at nagbanta pa na ititigil na ang pagv-vlog kasama si China.
Dagdag pang rebelasyon nito, katulad nang mga isinaad ni China ay nambababae raw si Tim. Sa katunayan, nahuli pa umano ni China ang pakikipag-usap nito sa isang babaeng vlogger. Saad pa nito,
“China was asking 1/4 of their earnings sa hardwork nila… for necessities naman yun! Then, as per China, sabi ni Tim, nagdedemand na daw masyado si China, kaya if ibibigay nya yung gusto o hinihingi ni China, tatapusin na daw nya pag vlog nito with China, pati lahat lahat sa kanila!
“Seriously? Padre de pamilya ka Tim! Role mo yan sa bahay! Para sa mag ina mo yan at kasama n’yo sa bahay na nagpapakapagod
din para maging maginhawa kayo at makapag focus sa kung ano man pinagkakakitaan nyo! Niqquestion mo? Wala pa yan sa kalahati ng earnings nyo.”
Tungkol naman sa pagbabahagi umano ni China ng naturang away sa isang FB Live, ayon sa kaibigan nito ay baka raw dumaranas si China ng post partum depression lalo na’t kapapanganak pa lamang nito. Marahil daw ay ito lamang ang tanging paraan na naisip ni China upang ilabas ang kanyang mga saloobin.
Mensahe pa ng kaibigang ito ni China kay Tim,
“5 months palang baby nila China at Tim. Ito ‘yung period na mas kailangan presence ng katuwang mo dahil hindi biro ang depression na pwede maexperience ng isang bagong anak palang.
“Tapos ito gagawin mo Tim? What the hell?! China deserves to get more! dahil hindi mo siya
talent! Asawa mo sya at ina ng anak mo Tim!”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment