Friday, August 28, 2020

Dating Child Star na si Xyriel Manabat, Kamusta na Kaya Ngayon?



Matapos lisanin ang showbiz upang makapag-focus sa kanyang pag-aaral, kamusta na kaya ngayon ang dating sikat na child star na si Xyriel Manabat?

Ang dating makulit at kinagigilawan ng lahat na batang si Xyriel ay dalagang dalaga na ngayon sa edad 16. Marami ang ginulat ng dating artista sa kanyang mga larawan ngayon kung saan, makikita ang malaking pagbabago sa itsura nito.

Gaya ng inaasahan, lumaking maganda ang child star na talaga namang hindi maikakaila ng lahat. Sa mga larawan nito na kanyang ibinahagi sa social media, makikita na dalagang dalaga na talaga si Xyriel na siya namang ikinamangha ng marami.

Tingnan ang mga larawan niyang ito na kanyang ibinahagi sa Facebook at Instagram:


Hindi naman mapigilan ng marami na magkomento sa mga larawang ito ng dating childstar na hindi nila inakalang dalagang-dalaga na ngayon.

Ani ng mga ito, parang kailan lang ay napapanood pa nila ito sa telebisyon bilang bata ngunit ngayon ay malaking-malaki na ito. Hindi umano nila inakala na ganito kalaki ang magiging pagbabago kay Xyriel at manghang-mangha ang mga ito sa kanyang pagiging isang magandang dalaga.

Dagdag pa ng mga ito, namimimiss na raw nila na makita ulit sa telebisyon si Xyriel. Kaya naman, hiling ng mga ito na muling umarte ang dating childstar at magkaroon ulit ng bagong teleserye.

Sa ngayon, matapos lisanin ang showbiz upang mas ituon ang kanyang atensyon sa pag-aaral, nagtapos na si Xyriel ng high school sa Golden Faith Academy.

Isa si Xyriel sa mga pinakahinahangang childstar sa kanyang henerasyon kung saan nakasabayan nito sina Zaijian Jaranilla at Mutya Orquia sa ABS-CBN.



Isa sa mga proyekto nito kung saan pinakanakilala si Xyriel ay ang kanyang pagganap bilang sina Agua at Bendita sa ‘Agua Bendita’.

Matapos nito, sunod-sunod at malalaking mga proyekto ang kinabilangan ni Xyriel kung saan, napahanay ito kasama ang mga pinakamagagaling na artista sa industriya ng showbiz.

Naging bahagi si Xyriel ng teleseryeng ‘Noah’ kasama sina Piolo Pascual at Zaijian Jaranilla. Nakasama naman niya ulit ang mga ito sa isa ring telerserye, ang ‘Hawak Kamay’.

Pinagbidahan naman ni Xyriel ang fantaseryeng ‘Momay’ na talaga namang tinangkilik ng mga manonood at ang ‘100 Days to Heaven’ kasama ang batikang aktres na si Coney Reyes.

Ilan pa sa mga programa kung saan lumabas ang dating childstar ay ang ‘May Bukas Pa’, ‘Nathaniel’, ‘Rubi’, at ‘The Legal Wife’.



Pinakahuli naman nitong naging pagganap ay nang gampanan niya ang karakter ng batang Maja Salvador sa ‘Wildflower’ noong 2017.

Sa pelikula naman, naging bahagi rin si Xyriel nang mga malalaking pelikula na talaga namang tumatak sa masa. Ang mga pelikulang ito ay ang ‘Sisterakas’, ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’, at ‘Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To) ni Ai-ai delas Alas kung saan, nanalo pa nga si Xyriel bilang Best Child Actress ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2010.

Maliban dito, si Xyriel lang din ang una at tanging child star na na nominado dati sa parangal na Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series ng Golden Screen TV Awards noong 2011.


Una namang pumasok sa showbiz si Xyriel nang sumali ito sa Star Circle Quest noong 2009 at nanalo bilang third placer.

Source: newspapers

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment