Sunday, August 16, 2020

Eric Fructuoso, Ibinahagi sa Instagram ang Kanyang Bagong Pinagkakakitaan



Base sa larawan na ibinahagi ng aktor na si Eric Fructuoso sa Instagram, mukhang ang pamamasada ng traysikel ang bago ngayong pinagkakakitaan ng aktor.

Sa naturang larawan, makikita si Fructuoso na nakasakay sa isang traysikel. Ayon sa aktor, sa panahon umano ngayon na mahirap pa ang kumita ng pera, hindi na umano pwede na mas pairalin ang kaartehan.

Caption pa nito sa kanyang Instagram post,

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!


Ang larawan na ito ni Fructuoso ay umani na ng mahigit sa limang libong likes sa Instagram. Umani rin ng mga papuri ang aktor dahil ani pa ng mga netizen, kahit na artista ay talagang hindi umano pinairal ni Fructuoso ang kaartehan pagdating sa trabahong pwedeng pasukan.

“Tama po kayo sir basta marangal na trabaho walang dapat ikahiya at saka aanhin ang kaartehan kung wala naman laman ang tiyan,” komento pa nga rito ng isang netizen.


Dagdag naman ng ilan, ang astig nga umanong tingnan ni Fructuoso bilang isang manong driver. Puna pa nga ng mga ito, kahit na tricycle driver ay maporma pa rin umano ang aktor lalo na sa suot nitong sapatos.

Dagdag komento pa nga ng mga netizen tungkol dito,


“Cool naman ng tricycle driver na to… naka-Jordan XI ba yan?!”

“Panalo idol, OG Chicago Bulls from top to sneakers.”

Sa panahong ito na mayroong pandemya, apektado ang halos lahat ng uri ng trabaho kahit na ang mga artista. Natigil ang mga programa ng mga ito dahil mas prayoridad ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.

Kaya naman, hindi lamang si Fructuoso ang artista na napabalitang sumubok ng ibang trabaho o mapagkakakitaan habang wala pang trabaho sa industriya ng showbiz.

Ang ilan sa mga artista na ito ay mas nagpokus sa kani-kanilang mga negosyo habang ang iba naman ay tuluyan nang nagsimula ng bagong negosyo.

Katulad ni Fructuoso, umani rin ng mga paghanga mula sa publiko ang naturang mga sikat na personalidad na hindi natakot na sumubok ng bagong mga bagay para lamang mayroong tuloy-tuloy na kita ngayong panahon na halos lahat ay apektado ang mga hanapbuhay.


Saludo ang publiko sa mga artistang ito na hindi natatakot at nahihiyang dumiskarte sa buhay kahit malayo ito sa kanilang trabaho bilang mga artista.

Kaya naman, sa larawang ito ni Fructuoso, kabi-kabila rin ang mga paghanga na kanyang natanggap mula sa mga netizen lalo na sa kanyang mga taga-hanga.


Unang sumikat si Fructuoso nang maging bahagi ito ‘Gwapings’ noong 1990’s na talaga namang kinakiligan noon ng marami. Kasama niya rito dati sina Jomari Yllana, Jao Mapa, at Mark Anthony Fernandez.

Kamakailan lang, tumatak si Fructuoso sa publiko dahil sa naging pagganap nito sa karakter ni ‘Alvin Domingo’ sa ‘Kadenang Ginto’ ng ABS-CBN.

Sa ngayon, ang aktor ay mayroon na ring Youtube Channel kung saan ibinabahagi nito sa publiko ang kanyang hilig sa mga motorsiklo. Ang hilig niyang ito ay makikita rin sa mga larawan na ibinabahagi nito sa Instagram.
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment