Bago pa man maging trending at laman ngayon ng mga balita ang dating aktor na si John Regala, una na itong naging viral dahil sa isang video na inilabas nito dari sa social media.
Sa naturang video, makikitang nasa mabuti pa ang kalusugan ng aktor kaysa sa kasalukyan nito ngayong kondisyon na pinasama ng kanyang sakit na liver cirrhosis. Makikitaan pa rito ng tapang ang aktor na siyang nakasanayan sa kanya ng publiko base sa kanyang mga karakter na ginampanan.
Ngunit, ang naging paksa ng video na ito ni Regala ay patungkol sa kanya umanong mensahe para sa kapwa niya rin aktor na si Philip Salvador. Hindi man malinaw ang tunay na dahilan ng kanyang ibinahaging mga pahayag, malinaw naman na mayroong nagaganap na hindi maganda sa pagitan ng dalawa.
“Philip ‘Ipe’ Slavador, makinig ka at pakinggan mong mabuti ang pahayag kong ito. Hindi ko layunin na hiyain ka o magsimula ng gulo. Ang tangi ko lang hangad ay gisingin ang kamalayan mo… pagliwanagin ang nanlalabo mong kaisipan.
“Ipe, kilala mo ako. Isa akong taong marunong rumespeto sa taong nararapat at karapatdapat na igalang… ngunit hindi ko kaya itong ipagkaloob sa isang tao na walang paggalang sa kanyang sarili at hindi lumalaban ng parehas…
Base sa mga naging pahayag dito ni Regala, nais umanong alisin sa kanya ni Salavador ang kanyang pinagkukunan ng hanapbuhay. Ayon sa ilan, tungkol umano ito sa ginawang pagharang dati ni Salvador sa dapat ay pagbabalik industriya na ni Regala.
Sa naturang video, nakikiusap umano si Regala na itigil na umano ni Salvador ang umano’y plano nito pati na rin ang umano’y paninira nito sa kanyang pagkatao. Ngunit, ‘pag hindi pa umano tumigil ang huli ay isasama niya rin umano ito sa lugar na planong pagdalhan sa kanya ni Salvador.
“Alam ko, marami kang kaibigang maimpluwensya at doon ka nanghihiram ng tapang para sa mga gawain mo na hindi matuwid sa iyong kapwa tao o kapwa artista mo…
“Oo, inaamin ko naman. Tarantado akong tao… doon sa katulad ko ring tarantado.. Pero nagbago na ako, Ipe. Binago na ng Diyos ang puso ko. At ayoko nang bumalik dun,” ani pa ni Regala.
Payo pa ni Regala kay Salvador, sana umano ay magbago na ito at maging totoo sa kanyang sarili. Sana raw ay hindi na nito hintayin na ang Diyos na ang magalit dito dahil hindi umano nito kakayanin.
Pinipilit niya umanong intindihan ang aktor ngunit, sana umano ay matigil na kung anuman ang nasa pagitan nilang dalawa.
“Matanda ka na, ngunit higit akong matanda sa karanasan sa iyo. Kung gusto mo ng aking pwesto, patunayan mong karapatdapat ka rito…
“Hindi ko ito basta-basta pwedeng ibigay lalo na sa isang katulad mo na walang puso at walang malasakit sa kapatid niya sa industriya,” direkta pang pahayag ni Regala patungkol kay Salvador.
Umaasa umano ito na mayroon pang kabutihan na natitira kay Salvador. Hindi man umano siya naghahamon ay handa naman umano ito na harapin ang naturang kapwa nito aktor.
Panoorin ang buong pahayag na ito ni Regala patungkol kay Salvador sa video na ito:
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment