Saturday, August 29, 2020

Isang Netizen, Sinupalpal ang Isang Bastos na Lalaking Nagmayabang sa Kotse at Yaman Nito


Hindi na napigilan pa ng netizen na ito na ibahagi sa publiko ang ginawa sa kanya ng isang lalaki na umano’y bastos at mapagmalaki.

Maraming mga netizen ang natuwa sa ginawa ng naturang netizen matapos umano nitong turuan ng leksyon at ipakita sa nasabing lalaki na hindi lahat ng babae ay nadadaan sa umano’y kanilang mga yaman na ipinundar naman ng kanilang mga magulang.

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ng netizen, makikita na kaswal siyang inimbita ng naturang lalaki para umano’y lumabas kasama nito. Makikita rin na madaling araw na ng inimbita siya ng nasabing lalaki.

Ngunit, dahil nagtatrabaho nang mga panahong iyon ang naturang netizen ay magalang niya itong tinanggihan.


Kapansin-pansin naman sa naturang lalaki ang kapreskohan nito nang pinilit nito ang babae sa umano’y ‘roadtrip’. Saad pa nito, wala umano siyang masamang intensyon ngunit sinabihang masungit ang netizen nang muli siya nitong tinanggihan.

Dito na lumabas ang umano’y pagiging mapagmalaki ng naturang lalaki. Sinabihan lang naman kasi nitong, ‘sino ka ba?’ ang naturang babae. Dagdag pa nitong saad,

“May car ako haha.”

“I will pay for everything haha”

“Inaaya ka na nga eh haha”

“Choosy ka pa ah”





Kaya naman, hindi na napigilan pa ng netizen na patulan ang pagiging presko, bastos, at mapagmalaki ng lalaking ito. Dito, matapang niyang sinagot ang mga banat ng naturang lalaki.

Sa isang magkakasunod-sunod na mensahe, ipinamukha ng netizen na ito na hindi umano siya nadadala sa mga kayabangan nito sa kanya at lalong-lalo na sa pagmamalaki nito sa yaman na hindi naman nito pinaghirapan.

Saad rito ng netizen,

“If you think I’m that type of woman you can easily grab just by flexing your parents’ investments? Please rest your balls, sit down, and watch me make money for myself.”

“I don’t want to go out with you, tapos ang usapan. Itulog mo ‘yang yabang mo dahil wala akong pakialam sa vios mong manual.”

Paglilinaw naman ng netizen, wala umano siyang isyu tungkol sa model ng kotse ng naturang netizen. Ang punto niya umano sa naturang Facebook post ay ang maling pagyayabang ng mga kalalakihan sa yaman na mayroon sila para lamang mambastos sa mga babae.



Marami naman ang natuwa sa ginawang ito ng naturang netizen. Ayon sa mga ito, ipinakita lamang umano ng naturang netizen na hindi lahat ng babae ay nasisilaw sa yaman at mas marami umano ang mga babae na marunong tumayo para sa kanilang mga sarili at hindi inaasa ang kanilang pinansyal na katayuan sa iba.

Komento pa ng ilang mga netizen tungkol dito,

“Bruh the only thing guys like this give is the audacity. Sorry boys if you can’t handle independent women, better start being independent first.”

“I love the art of her being sarcastic! So witty! Im all yours my Dear Rhea! You had me at “rest your balls, sit down and watch me make money for myself”.”

Sa ngayon, ang Facebook post na ito ng nasabing netizen ay umani na ng halos 70 000 na reaksyon mula sa mga netizen at shares na nasa mahigit 60 000 na.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment