Thursday, August 13, 2020

Jason Dhakal, May Pasaring sa Atensyon na Nakukuha ni Michael Pacquiao



Naging malaking usapan sa Twitter ang diretsahang opinyon na inihayag ni Jason Dhakal nang i-retweet nito ang video ni Michael Pacquiao na nagpe-perform ng kanta nitong ‘Hate’.

“shit like this makes me want to stop making music honestly lol,” ang prangkang opinyon ni Jason tungkol kay Michael.

Kamakailan lang, inilabas ni Michael ang kanyang unang kanta na ‘Hate’ at nabigyan pa ito ng pagkakataon na i-perform ito sa Wish 107.5 Bus.

Ngunit, sa kabila ng mga positibong reaksyon na naibibigay kay Michael, mayroon ding iba na salungat ang opinyon tungkol sa atensyon na nakukuha nito ngayon. Isa na nga sa mga ito si Jason.

Matapos ang tahasang pahayag na ito ni Jason tungkol kay Michael, naglabas pa ito ng sunod-sunod na mga tweet tungkol naman sa usapin ng pagbibigay umano ng ‘platform’ sa mga anak ng artista kaysa sa kanila na hindi kilala ng publiko ang dalang apelyido.


“it’s weird to me how ppl will automatically give a platform to rich artista kids w/ mediocre talent who already are financially set for life while local rappers here risk their livelihood to make music; get 0 recognition lol”

“like u know these ppl make music for capitalism; because that’s the trending sound yet ppl who actually make music; risk their entire future for it get paid no attention i’m kinda tired of having to work 4x harder just because i don’t have an artista parent to depend on lol”

“yeah im so done w music rn lol

Para kay Jason, nakakapagod na umano ang hindi patas na pagbibigay ng atensyon sa kanilang mga artista na hindi gaya ni Michael ay walang kamag-anak na mayaman o sikat sa publiko.


Tahasang inilabas ni Jason ang kanyang opinyon tungkol sa hindi umano pantay na turing at pagtrato ng industriya sa mga taong tunay raw na mayroong talento kaysa sa mga marunong lamang ngunit anak ng sikat na personalidad.


“i’ll never forget when i talked to one artista kid ; they said “yeah i wasn’t sure if i wanna make music so my parents connected me to universal records; they gave me a 2 year contract :/“ like fuck man”

“so much unfairness i’ve witnessed; so much talent not given attention just because their last name is unrecognizable”

Bagama’t ang musika ni Michael ang ginawang instrumento ni Jason upang ilabas ang kanyang hinaing tungkol sa hindi pantay na pagbibigay ng oportunidad sa mga artista, ilan sa mga netizen ay naniniwala na mayroon umanong punto ang mga pahayag ni Jason.

Ngunit, marami rin ang hindi nagustuhan ang diretsahang pasaring na ginawa ni Jason kay Michael. Bagama’t mayroon umanong punto ang mga pahayag nito, mali umano na nandamay at nanghila pa ito ng ibang tao para lamang mapansin.


Totoo man umano na parte ng dahilan kaya nakilala si Michael ay dahil sa kanyang ama, hindi naman umano nito kasalanan na ipinanganak siya sa marangyang pamumuhay. Hindi rin umano ito dahilan upang pigilan o pahinain ang loob ni Michael na magbahagi ng kanyang talento.


Hindi rin sinang-ayunan ng marami ang  sinabi ni Jason na ‘mediocre’ lamang ang talentong taglay ni Michael. Kung tutuusin, matagal na rin naman umanong gumagawa ng musika si Michael at ngayon lamang niya ito nailabas sa publiko.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment