Sa kanyang Instagram, isang video ang ibinahagi ng aktor na si JM de Guzman kung saan makikita ito na nagpupunas ng malamig na tubig sa kanyang mukha galing sa isang batya na mayroong yelo.
Ayon sa aktor, ito umano ang kanyang ginagawa sa tuwing nagkakaroon siya ng panic attacks. Hindi biro ang pagkakaroon ng panic attacks kaya naman marami ang humanga sa aktor dahil pilit at matapang niya itong nilalabanan.
Ang panic attack ay ang biglaang pag-atake ng matinding emosyon na kadalasan ay takot. Bunga nito, bumibilis ang tibok ng puso at nakakaramdam rin ng pamamanhid at pangingiging ang taong inaatake nito.
“This is what my panic disorder looks like 400 am middle of a good sleep. intense waves of emotions. rapid heart beat thatll make you feel you are about to pass out or die. I use ice to slow down the heart beat and to feel my face because my body is numb, over powered by emotions. this maybe caused by a painful trauma in the past.
“I managed to record this because somehow im learning to cope with it and just hoping others might relate and to let you know youre not alone,” pagbabahagi pa ni JM.
Ayon kay JM, sa pagbabahagi ng naturang video ay umaasa siya na ang mga taong tulad niya na nakakaranas nito ay huwag umanong mawalan ng pag-asa.
Maliban dito, para rin daw ito ipaalam sa mga tao na hindi basta-basta ang pagkakaroon ng panic attacks. Kaya naman, nagbigay rin ng mensahe sa mga ito si JM sa tamang gawin sa tuwing nagkakaroon ng panic attacks ang kapamilya o kaibigan ng mga ito.
Ayon kay JM, imbes na magtanong nang magtanong ay mas mabuti raw umano na maging tahimik at kalmado lamang ang mga ito habang nasa kanilang tabi.
Umaabot din daw ng 30 hanggang 40 minuto bago tuluyang matapos o maging maayos na ang pakiramdam ng isang taong nagkaroon ng panic attack. Dagdag pa ni JM,
“If you have this too , put ice on your face, head hand and body. Just pray and deep breaths and make the people around you understand ur condition tell them to stop asking questions and just be there so the attack will subside quicker rather than triggered. “itll be over after 30 or 40 mins and youll be fine” (keep telling that to yourself so thats the only thing running inside your mind) just a little exhausting. keep safe.. #TobeAwareistobeAlive”
Sa Instagram post na ito ng aktor, nagpahayag naman ng pagsuporta hindi lamang ang mga tagahanga nito kundi pati na rin ang mga kasama ni JM sa showbiz para sa tapang ni JM sa pagbabahgi nito sa publiko.
Ilan sa mga artistang ito na sinuportahan ang aktor ay sina Billy Crawford, Jason Abalos, at Edward Barber.
Dahil sa post na ito ni JM, maraming mga netizen din ang nagbahagi ng sarili nilang mga karanasan sa tuwing kagaya ni JM ay nagkakaroon din sila ng panic attacks.
“Hindi madali ang magkaroon ng ganyang sakit kaya po sana marunong kayong umintindi sa mga taong ganyan. Pasalamat kayo at healthy at hindi n’yo naranasan ‘yan,” ani pa ng isang netizen na nakakaintindi sa aktor.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment