Ngayong ito ay nasa hindi maayos na kondisyon, isa sa mga pinaka-hinihiling ng aktor na si John Regala ay ang makita ang kanyang anak na ngayon ay nakatira sa Amerika.
Ang anak niyang ito ay ang 25 taong gulang na si John Paul Kieffer na anak ng aktor sa una nitong asawa na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt. Ayon kay Au, bagama’t aminadong hindi malapit ang loob ni Kieffer kay John, mayroon naman umano silang komunikasyon ng kanyang dating asawa .
Kaya naman, ayon kay Au, katulad ni John ay gusto niya rin umano na mapalapit ang loob ng anak sa kanyang biological father na si John. Madalas niya umano itong pinaaalahanan na kahit minsan ay kausapin din ang ama.
“Hindi ko ipinagdadamot si Kiefer kay John. Well, in fact, even before I always told to my son na kausapin and daddy niya na si John Regala kasi malayo ang loob niya dito. I always remind him na it’s time for him to make bond with his biological father…
“Lagi ko siyang pinaaalahanan na kahit may pagkukulang kami ni John bilang mga magulang niya, sinasabi ko palagi na siya ang naging pinakamagandang nangyari sa amin noong nagsasama pa kami,” pahayag pa umano ni Au.
Dahil sa kasalukuyang kondisyon ng aktor, nais umano ng mag-ina na umuwi sa Pilipinas upang magkita at magkasama ang mag-ama. Ngunit, dahil sa pandemya ay hindi muna ito matutuloy.
Gayunpaman, kapag maayos na umano ang lahat, uuwi umano sila ng Pilipinas dahil maging si Kieffer ay gusto na rin umano na maalagan ang kanyang ama na si John. Dagdag pahayag pa nga ni Au tugkol dito,
“To be honest, my son wanted to know more about his biological father. Nagka-videocall na rin sila and Kiefer and John was so happy, it made me cry as well as my husband Stephen.
“Gustong makita ni Kiefer ang daddy niya at alagaan kaya lang, because of the pandemic parang imposible pa ito. But we make sure na after this, uuwi kami sa Pilipinas para magkita na si John at si Kiefer.
“For now, we pray for his fast recovery at binilinan na rin siya ni Kiefer na magpalakas at magpagaling para ‘pag nagkita na sila, mas makakapag-bonding na silang mag-ama. Please include John in your prayers.”
Lingid sa kaalaman ng marami, noong 26 taong gulang pa lamang ang aktor na si John ay legal itong ikinasal sa 16 taong gulang na si Au. Anim na taon ang itinagal ng kanilang pagsasama bago sila tuluyang maghiwalay noong 22 taong gulang na si Au.
Nagkaroon ang mga ito ng isang anak, si Kieffer. Ilang taon matapos pumunta sa Amerika si Au, penitisyon nito ang anak at doon na nga tumira ang dalawa.
Ngayon ay maayos na ang buhay ni Au kasama ang kanyang asawa at stepdad ni Kieffer na si Stephen Hunt. Nakabase ngayon ang mga ito sa Arizona, USA.
Ayon kay Au, napakaswerte umano nito dahil sa suporta na ibinibigay sa kanila ng kanya ngayong asawa na si Stephen at sa pagmamahal na ibinibigay nito kay Kieffer. Naiintindihan umano nito ang mga pangyayari ngayon kay John na maging ito umano ay hindi rin mapigilan na malungkot sa kasalukyang kondisyon ng aktor.
Ayon kay Au, handa umano siyang tulungan ang dating asawa sa abot ng kanyang makakaya. Sa kabila ng kanilang pagsasama na hindi nagtagal, maayos naman umano ang relasyon na mayroon sila ng dating asawa.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment