Sunday, August 9, 2020

Joseph Marco, Ipinakilala na sa Publiko ang Napakaganda Nitong Girlfriend



Marami ang kinilig nang tuluyan nang ipinakilala ng aktor na si Joseph Marco ang babaeng nagpapatibok ngayon sa kanyang puso.

Sa kanyang Instagram account, opisyal nang ipinakilala ni Joseph sa publiko ang Russian model nitong girlfriend na si Rasha Romanova. Sa mga larawan na ibinahagi ng aktor, makikita kung gaano umano ka-inlove si Joseph sa kanyang girlfriend na talaga namang kinakiligan ng publiko.

“At times I would find myself crying with happiness. The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness. I’ve never felt so safe and secured like this,” ani pa ni Joseph.

Dito, inilarawan pa ni Joseph ang mala-dyosang girlfriend bilang ‘missing piece’ umano na hinahanap nito sa kanyang buhay. Ibinahagi nya rin sa publiko kung gaano umano ito ngayon kasaya kasama ang girlfriend.



“Now I know that you’re the missing piece I’ve been trying to find. You bring so much joy and love to my life. I always look forward to being home to you and spending time with you. You have the sweetest and most loving heart…

“Thank you for loving me and accepting my love in return. I love you today and for all my tomorrows,” dagdag pa ng aktotr.

Bago tuluyang ipakilala ang girlfriend, una munang nagbahagi ang aktor ng mga larawan nito kasama si Dasha na mayroong mga makahulugang caption.


“Thank you for everyday....

“You are the one I’ve waited for,” caption pa ni Joseph sa mga ito.



Sa anunsyo niyang ito, tuwang-tuwa hindi lamang ang mga kaibigan nito sa loob at labas ng showbiz kundi pati na rin ang mga tagahanga ng aktor.

Ani ng mga tagahanga ni Joseph, masaya umano ang mga ito na makitang masaya ang aktor sa bago nitong girlfriend. Maliban pa ito sa paghanga na kanilang naramdaman dahil sa ganda umano ni Dasha.

Maraming mga kaibigan naman ni Joseph sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati para sa bagong pag-ibig ng aktor.
Ilan sa mga artistang ito na agad inihayag ang pagbati at saya para sa aktor ay sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Yam Concepcion, Meg Imperial, Vin Abrenica, at Ria Atayde.

Kilig na kilig ang marami sa mga larawan nina Joseph at Dasha na kanilang ibinahagi sa kanilang mga Instagram account. Hindi rin napigilan ng mga netizen na mag-iwan ng komento tungkol sa ‘sweetness’ umano ng dalawa.




Pahayag naman ng karamihan, sana umano ay manatiling masaya ang dalawa at magtagal pa ang relasyon ng mga ito.


Bago si Dasha, ang huling napabalitang karelasyon ni Joseph ay ang beauy queen na si Celeste Cortesi. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noon lamang nakaraang taon ngunit, ngayong taon ay nagkahiwalay rin sina Celesti at Joseph.

Si Joseph Marco ay isa sa mga pinakahinahangaang aktor sa Kapamilya network. Kasama ang iba pang mga naggagwapuhan ding aktor, napasama si Joseph sa television series na ‘Los Bastardos’. Isa ito sa mga proyekto kung saan pinaka nakilala ang aktor.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment