Tuesday, August 4, 2020

Kakaibang Proteksyon ng mga Magsasaka sa Init, Hinangaan sa Social Media!



Naagaw ng mga larawang ito ng mga magsaaka ang atensyon ng mga netizen sa social media dahil sa kakaibang suot na proteksyon ng naturang mga magsasakang ito sa larawan.

Ang naturang larawan ng mga magsasaka ay nakunan umano sa probinsya ng Nueva Ecija. Maliban sa balot na balot nilang mga katawan bilang protekyon sa sikat ng araw, mayroon ding dalang malaking bagay na nakasabit sa kanilang likod ang mga magsasakang ito.

Bilang dagdag proteksyon sa kanila mula sa matinding sikat ng araw, mayroon silang malaking parisukat na bagay sa kanilang likuran na siyang nagbibigay sa kanila ng lilim habang nagsasaka.. Mala-board ang itsura ng bagay na ito ngunit, hindi katulad ng isang karaniwang board ay gawa umano ang mga proteksyong ito sa plastik.

Marami naman ang namangha sa ginawang ito ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na isa umanong epektibong solusyon upang hindi na gaanong mainitan at mahirapan ang mga ito sa pagsasaka.


Hindi akalain ng naturang mga netizen na maiisip umano ito ng naturang mga magsasaka kaya naman aliw na aliw ang mga ito sa naturang mga larawan. Dahil dito, agad naging viral ang nasabing mga larawan at mas umagaw pa sa atensyon ng maraming mga netizen.


Bagama’t sanay na ang karamihan na makakita ng mga magsasaka na bilad na bilad sa araw habang nagtatrabaho, natutuwa ang mga ito na malamang kahit papaano ay giginhawa na ang pagtatrabaho ng mga ito sa sakahan.

Maliban sa mga papuri sa pagiging likas na masipag ng mga magsasaka, pinuri rin ang mga ito ng mga netizen dahil sa kanilang pagiging malikhain. Mas bumilib pa umano ang mga ito sa mga magsasaka sa ating bansa na nagsusumikap sa bukid para lamang mayroong makaing bigas ang mga Pilipino.


Kaya naman, dahil napag-uusapan na lang din ang mga magsasaka, hindi na rin naiwasan na mabanggit sa komento ng mga netizen ang kasalukuyang kondisyon ngayon ng mga magsasaka sa ating bansa.


Bagama’t natutuwa ang mga ito sa kasipagan at pagiging malikhain na ipinamalas ng mga magsasaka, nalulungkot din ang mga ito dahil sa patuloy umano na panggigipit sa mga ito ng kapwa rin natin kababayan at kung minsan, pati na rin ang gobyerno.

Kaya naman, ipinagdarasal ng marami na sana ay totoo na umanong bumuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa bansa at maibigay na sa kanila ang magandang buhay na narararapat para sa mga ito.

Gayunpaman, heto ang ilan pa sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa pagiging malikhain ng mga magsasakang ito sa naturang viral na mga larawan:

“Tama po ‘yan. Noong araw, hindi ko pa naisip ‘yang ganyang paraan. Dumaan din po ako sa pag talok o pag tanim ng palay.”


“Talino ng nag isip neto… Wala pa ko nakita sa bukid na gumagamit neto.”

“Ayos iyan hindi na kayo maiinitan d’yan sa ginawa ninyo na iyan. Iba talaga ang mga Pinoy… maparaan talaga.”

“Ok po ‘yan pero pa’no kaya ‘pag mahangin. Di kaya mayupi? Dapat may braket, taas at ibaba. na nakatali sa magkabilang braso.”


Source: kickerdaily

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment