Monday, August 10, 2020

Kapamilya Anchor, May Pasabog na mga Larawan sa Instagram



Marami ang natuwa at napahanga ng Rated K host at mamamahayag na si Korina Sanchez sa mga larawan nito na kanyang ibinahagi sa Instagram nito lamang Martes, ika-4 ng Agosto.

Sa naturang mga larawan, makikita ang ganda ng hubog ng katawan ni Korina suot ang zebra print na one-piece swimsuit. Sa edad nitong 55 taong gulang na, napanatili ng mamamahayag ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Kaya naman, hinangaan at umani ng maraming mga papuri mula sa mga netizen si Korina dahil sa ganda umano ng pag-aalaga nito sa kanyang katawan.

Ayon kay Korina, sinimulan niya umano ang pagpapaganda ng kanyang katawan noon pa lamang Marso kung kailan nagsimula ang lockdown. Pag-amin pa ni Korina, matapos makapagbawas ng timbang ay ang pagpapanatili umano nito siya pinaka nahirapan.


Ngunit, sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon sa pag-eehersisyo ay napanatili nito ang mababang timbang at ngayon ay masayang-masaya sa ganda ng katawan na mayroon siya.

Dahil dito, hinihikayat din ni Korina ang iba na magsumikap din umano sa pag-eehersisyo upang makamit din nila ang nais nilang katawan at timbang.

Ani pa ni Korina,

“Just to report to you: from 118 days since Day One of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I've been able to MAINTAIN  (that’s the REAL challenge). 20-50g carbs daily ONLY. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan! #BestLife”


Sa naturang mga larawan, maliban sa ganda ng kanyang katawan ay hinangaan din sa Korina dahil sa confidence na mayroon ito sa pagdadala ng kanyang katawan at kasuotan.


Marami ang nagsasabi na inspirasyon umano nila ang mamamahayag lalo na ang mga taga-suporta nito na kapareho ni Korina ay nasa singkuwenta na rin ang edad.

Pinatunayan lamang umano ni Korina na hindi hadlang ang edad sa pagkakaroon ng ‘fit’ ngunit malusog na pangangatawan.

Biro pa nga ng iba, pwede pa umanong makipagsabayan si Korina sa mga kabataan ngayon na nagpapagandahan din ng katawan suot ang kanilang mga one-piece at two-piece swimsuit.


Sa Instagram post niyang ito, tumanggap ng kabi-kabilang papuri si Korina hindi lamang galing sa mga kaibigan at katrabaho nito sa showbiz kundi pati na rin sa mga ordinaryo nitong tagahanga.

Hindi napigilan ng mga ito na ilabas ang kanilang paghanga para sa mamamahayag na hindi pinapabayaan ang katawan at kalusugan sa kabila ng edad nito.

Heto pa ang ilan sa mga komento na ibinahagi ng mga netizen at tagahanga ni Korina tungkol sa mga pasabog nitong larawan:

“Pasabog ka naman,Madam K! Na-insecure kaming mga nasa 20s pa lang.”

“Thank you for being so generous with the knowledge… We know that it is valuable because you'd done it and it manifests in you.”

“Bongga si madam! Ayaw pakabog! Love it!”


“My 50 year old friend and I were talking last night and she said you’re her inspiration. I told her you’re my inspiration, too!”


“Naku, ayan ba ung 54 na? Mukhang nsa late 30's lang eh!”

“Madame, ansavehh ng leopard bathing suit?! Uwian na bhie may winner na. Pak! Ganern!”

Source: Facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment