Wednesday, August 12, 2020

Korina Sanchez, Niligawan Dati ng Isang Sikat na Venezuelan Actor



Sa isang panayam na pinaunlakan kamakailan lang ng sikat na journalist at host na si Korina Sanchez, maraming mga personal na bagay ang malugod na ibinahagi ni Korina sa publiko.

Nito lamang Lunes, ika-10 ng Agosto, sa isang Instagram Live interview kasama si G3 San Diego, binuksan ni Korina sa publiko ang ilang mga bagay tungkol sa kanya tulad na lamang ng kanyang naging buhay pag-big.

Masaya ngayon si Korina sa kanyang buhay may-asawa kay dating senador Mar Roxas at sa kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Ngunit, paglalahad ni Korina, nanligaw at nagdate umano sila dati ng isang sikat na Venezuelan telenovela actor.


Marahil ay pamilyar sa karamihan ang aktor na si Fernando Carillo, ang gumanap na Fernando Jose na katambal ni Thalia sa telenobelang ‘Rosalinda’. Ayon kay Korina, nanligaw umano sa kanya dati si Fernando ngunit hindi rin umano nagtagal ang kanilang pagde-date.

“We dated pero walang nangyari. Not even a kiss. Nothing. Natakot ako. Fernando is such a darling but you have to be ready for him. Super gwapo, super sweet, pero I really ran away from him. And he remembers that,” pagkukwento pa ni Korina.

Ayon kay Korina, dati pa man umano ay crush na niya ang kaniya ngayong asawa. Kung matatandaan, sa New York pa nga nakumpirma ang kanyang pakikipagrelasyon dati kay Mar.

“I do not believe in documents. Love cannot be required. It is voluntary. Love cannot be demanded. It is what it is,” ani pa ni Korina.


Ngayong mayroon na silang kambal ni Mar, ayon kay Korina, kung pwede pa umano ay gusto niya pang dagdagan ang kanilang anak ngayon ng dating senador.

Sa darating na Oktobre ay magiging 56 taong gulang na si Korina habang si Mar naman ay 63 taong gulang na nito lamang Mayo. Sa kabila ng edad, hindi naman problema para kina Korina kung gugustuhin pa ng mga ito na magkaanak.

Ayon sa journalist, mayroon pa umano itong apat (4) na embryo na naka-freeze sa ngayon.


Ang kambal nina Korina ay magdadalawang taong gulang pa lamang sa susunod na taon. Kaya naman, marahil ay gusto nang sundan ni Korina ang mga ito lalo na’t naibahagi rin nito sa naturang panayam ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng maraming mga anak.

Kwento pa nga ni Korina, noong nag-aaral pa lamang ito ay talagang mahilig na umano siya sa mga bata. Madalas nga raw sinasabi na sa lahat ng kanyang mga kaklase, siya umano ang ‘most likely’ na magkaroon ng maraming anak.


Isa rin sa mga naibahagi ni Korina ay ang hindi umano nito paghingi ng pera sa asawa. Ayon sa journalist, hindi umano nakadepende kay Mar ang kanyang mga gastusin dahil sarili nitong pera ang kanyang ginagamit.

Ayon kay Korina, siya pa nga umano ang nag-alok dati sa asawa na pumirma sila ng isang prenuptial agreement. Pagbabahagi pa nga nito,

“Hindi ako humihingi ng pera sa asawa ko…

“You should have your own money. Buy your own poison. Fund your own lifestyle.”


Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment