Monday, August 10, 2020

Lalaki, Ipinagpalit ng Nobya sa Ibang Lalaking Nakilala Lamang Nito sa Tiktok!


Matapos magviral ng kanyang Facebook post tungkol umano sa dati nitong karelasyon at kasalukuyang karelasyon nito na sinasaktan ang kanilang anak, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo si Marlou Llanita.

Ayon kay Marlou, ang lalaki umano na kinakasama ngayon ni Anjeneth Agna, ang dati nitong karelasyon, ay nakilala lamang umano nito sa Tiktok. Nang magkita ay agad na umanong nagsama ang mga ito kasama ang kanyang anak.

Gayunpaman, nagkaroon umano sila ng kasunduan ni Anjeneth na salitan sila sa pag-aalaga sa nag-iisa nilang anak. Ngunit, nang panahon na dapat ay nasa kanya na umano ang kanilang anak ay ayaw umano itong ibigay sa kanya ni Anjeneth.

Gusto ni Marlou na mabawi ang anak mula kay Anjeneth dahil ayon mismo dito, sinasaktan umano ni Anjeneth ang kanilang anak at pati na rin ng kasalukuyan nitong kinakasama.


Masakit umano para kay Marlou ang ginagawang ito sa tatlong taong gulang niyang anak kaya ito nagdesisyon na humingi ng tulong kay Raffy.

“‘Yun po ‘yung sabi sa akin ng anak ko. Habang mangiyak-ngiyak… umiiyak, ‘Papa, palo nila ako’. Ang hirap, sir. Idol, sana po matulungan n’yo ako,” emosyonal pang kwento ni Marlou.

Mayroo umanong dalang ebidensya si Marlou na magpapatunay sa pananakit ni Anjeneth sa kanyang anak. Sa katunayan umano, kahit na ayaw sana nitong ikwento, ang panganay umanong anak ni Anjeneth sa ibang lalaki ay sinasaktan din umano nito at iniwan pa sa probinsya.

Ayaw umano ni Marlou na mangyari rin ito sa kanilang anak.


Sa mga ebidensya pa na ibinahagi ni Marlou sa programa tungkol naman sa pagtataksil ni Anjeneth, ayon kay Raffy ay maaari umanong mayroon ding problema si Anjeneth dahil sa kalaswaan umano ng linggwahe nito.

Nang mabasa ni Tulfo ang naturang mga ebidenysa, ani pa nito ay ‘nakakapanindig balahibo’ umano ang pinag-uusapan nina Anjenette at ng lalaking karelasyon o kinakasama nito ngayon.

“Ma’am, it sounds to me na you need professional health dahil karamihan dito sa kalaswaan ma’am, sobrang malaswa, kayo ho ang nag-iinstigate ng kalaswaan, eh. Tapos nagrereact lang itong si lalaki. Pinapakita mo kung gaano ka kalaswa.

“Sorry ma’am ha? Hindi po healthy ‘yung pag-iisip n’yo. You need professional help,” ani pa ni Tulfo kay Anjenette.


Kahit noong nagsasama pa lamang umano sina Anjenette at Marlou ay madalas niya na umanong mahuli ang una na mayroong kausap na ibang lalaki. Nang makilala nga umano nito ang kasalukuyang kinakasama sa Tiktok, hindi pa man umano nagkikita ay sumama na umano ito dito.

Ito ang dahilan, maliban sa umano’y pananakit din ng dalawa sa kanyang anak, kaya nais ni Marlou na makuha ang anak at siya ang mag-alaga rito. Nasa panig naman ni Marlou si Raffy at ipinangako na tutulungan ito na mapasakanya ang anak.

Ayon sa batas, kapag pitong taon pababa ang edad ng bata ay nasa ina dapat ang kustodiya nito. Ngunit, kapag napatunayan umano ang pananakit na ginawa ni Anjeneth at ng kinakasama nito sa anak nila ni Marlou, maaari umanong mawala kay Anjeneth ang kustodiya ng kanilang anak.

Ayon kay Tulfo, malaking tulong umano ang mga ebidensya na mayroon si Marlou upang makulong din si Anjeneth o ang kinakasama nito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment